A/N: Malapit ng magpakilala sa inyo ni Azaleah Fortez :))))PS. CONTENT WARNING!!!
CHAPTER 15
HINDI MAKATULOG si Gwen. Hanggang ngayon pa din kasi iniisip niya si Theo. Tapos nakakatanggap din siya ng calls and text dito. Wow talaga! Nung siya ang tumatawag at nagtetext dito hindi nito sinasagot. Porket nakita niya lang ang mga ito sa akto?
Shit!
Tapos ano daw? Sa iisang kwarto sila matutulog?
Napabangon siya sa sobrang galit na nararamdaman. Hindi lang siya makagawa ng anumang ingay dahil gabi na at may mga natutulog na pero naiinis talaga siya!
'Let's meet please? I am at the pond' - Unregistered number
Alam niyang si Theo iyon. Kanina pa ito text ng text sa kanya!
Huminga siya ng malalim at nagdesisyong pupuntahan niya ang nobyo para mailabas niya din ang buong inis na nararamdaman. Nagsoot siya ng jacket dahil alam niyang malamig sa labas.
Nagtungo siya sa fish pond kung saan siya galing kanina. Sa may bandang kubo doon, nakita niya ang pamilyar na bulto kaya nilapitan niya ito.
"Sa lahat ng pagkakataon talaga dito pa kita makikita?" Hindi niya napigilang sabi atsaka ito lumingon sa kanya. "Anong ibig sabihin ng mga 'to Theo?"
"Gwen!" Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit pero hindi niya ito ginantihan. "Gwen, let me explain please."
"Alam mo ba kung gaano umiiyak si Tristan dahil sa miss na miss kana niya? Hindi kana niya nakikita e. At ang sakit sakit para sa akin na makita siyang ganoon. Pero pinaliwanag ko sa kanya na busy ka lang sa trabaho mo pero eto? Dito lang pala kita makikita? Kay Selene!"
"Gwen, please let me explain... busy naman talaga ako nitong nakaraang araw e."
Mapakla siyang natawa. "Hindi na ako naniniwala."
"It's true! I was really busy with solo and band activities. Tapos, tapos pinakiusapan pa ako ng company namin na magpakita as a couple kami ni Selene. I had no choice. Sakto pa na dumating ang parents ni Selene at ang alam nila may relasyon kaming dalawa dahil business partners ang Ate ko at ang magulang niya. So please, please. Gwen, I am sorry."
Hinahawakan siya ni Theo pero binabaklas niya iyon. "Ang sakit sakit naman nito Theo. Hindi ko alam kung ano ba ako sa buhay mo. Ni hindi mo nga din sinasagot 'yong calls and text ko ng dalawang araw e. Kung hindi pa ako nandito para sa incentives na 'yan, siguro hindi ko pa malalaman kung nasaan ka!"
"Gwen, it's not what you think. Please? Nawala kasi 'yong phone ko nung pinapunta ako ni Kuya Ty sa bahay nila Selene. Hindi ko na nga mahanap e. I just borrowed Clenze's phone para makatext sa'yo ngayon."
"Then why it took you two days? And for sure, si Selene ang kumuha no'n!" Si Selene din ang nagtext sa akin na busy si Theo.
"After namin pumunta sa bahay ni Selene, naging busy na naman kami sa mga live performances namin. We are promoting our single release. It's like we had this motto that sleep is for a weak, kaya kahit gustung gusto na kitang ma-contact hindi ko naman magawa. Pinangakuan din ako ni Kuya Ty na bibigyan niya ako ng two weeks vacation kapag naayos naming lahat ang band activities namin. Syempre pinag-igihan ko na dahil gusto ko sa loob ng dalawang linggo na 'yon nasa sainyo ang buong atensyon ko."
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
RomanceGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!