Chapter 4

345 14 0
                                    



CHAPTER 4

"ANAK MO?" Natawa si Gwen ng mapakla. "so ngayon gusto mo magpakatatay sa anak ko? Bakit, Theo? Nagi-guilty ka ba sa sinabi mong gusto mo siyang ipalaglag habang nasa sinapupunan ko siya? Theo hindi ko nakakalimutan ang araw na sinabi mo sa'king ipa-abort mo ang anak ko! Kaya huwag kang umasta at umarte na isa kang ama dahil kahit kailan hindi ka nagpakatatay sa kanya!"

Umiling iling siya. "Hindi Gwen. Please me one more chance please. Hayaan mo 'kong makabawi sa kanya, hayaan mong iparamdam ko sa kanya na nagsisisi ako sa mga sinabi ko noon. Please Gwen, nagmamakaawa ako sa'yo. Please..." Nakita niyang tumutulo ang mga luha nito habang hawak hawak nito ang mga kamay niya. Hanggang sa lumuhod ito. "Please, Gwen... nagmamakaawa ako sa'yo. Hayaan mo 'kong makasama ang anak natin."

Tumulo ang mga luha ni Gwen pero nanatiling matigas ang puso niya. Masyado siyang galit rito, masyadong malalim ang pinagdaanan niya dahil dito. Umiling iling siya at binawi ang mga kamay.

"Para saan? Para sirain ang buhay niya? Ang buhay namin? Alam mo bang namatay ang Papa ko dahil sa'yo!" Bulyaw niya rito dahil hindi niya na kayang itago pa ang nararamdaman niya. "namatay ang Papa ko dahil noong panahong pinagbubuntis ko ang anak ko, kailangan namin ng financial support at para maipanganak ko ng maayos ang baby ko. Nagkaroon din ng komplikasynn ang pagbubuntis ko dahil na-stress ako masyado, nag-iisip kung saan kami kukuha ng pangbayad para makapagpa-checkup ng maayos. Umaga at gabi nagta-trabaho ang Papa ko na sana ikaw ang gumagawa! Na sana ikaw ang umaako, na sana ikaw ang gumagawa ng paraan para maayos ko ang panganganak sa anak ko! Iniisip ko noon na kapag siguro ikaw ang kasama ko, siguro makakaya ko kahit ang hirap hirap. Siguro kung pinili mo lang kami ng anak ko, siguro mas makakagawa ka ng paraan kasi ayon ang pinangako mo sa akin noon e, ang hindi ako iiwan at sasaktan. Pero nasaan ka? Wala ka! Wala!"

Tuloy tuloy ang agos ng luha niya. Kung nasasaktan man ito sa sinasabi niya, mas nasasaktan siya ngayon lalo na kapag inaalala niya.

"Naaksidente si Papa sa construction site na pinagta-trabahuan niya na mismong katawan niya na din ang sumuko sa kanya sa sobrang pagod na nangyari sa kanya. Hindi ko kinaya. Ang sakit sakit! Pati ang mama ko nasasaktan nang mawala si Papa. Ikaw lang ang taong pumasok sa isip ko para sisihin sa lahat ng nangyari. Dahil siguro kung nandoon ka, kung katabi kita, kung kasama lang kita, hindi mahihirapan ang magulang ko sa pagtulong sa'kin."

"Gwen... I am sorry... I, I didn't know..."

"Talagang hindi mo alam kasi wala ka naman," pinunasan niya ang luha na patuloy na umaagos sa pisngi niya. "kaya huwag mong hingilin sa akin na makikita mo ang anak ko dahil hinding hindi mo na siya makikita pa."

Napatigil sa pagtangis si Theo sa huling salitang sinabi niya. Nagtataka ito at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin G-Gwen?"

Hindi na alam ni Gwen kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Masyado siyang galit. Masyadong natatabunan ng mali ang utak niya. Hindi siya makapag-isip ng maayos at hinayaang ang bibig at emosyon niya ang manaig.

"Patay na ang anak ko."

"A-ano?"

Kahit siya ay nagulat sa sinabi niya. Hindi niya inakalang iyon ang lalabas sa bibig niya. Sa kagustuhang masaktan din si Theo tulad ng naranasan niya noon at ipagdamot dito ang anak niya ay ayun ang lumabas sa bibig niya.

Napalunok siya bago siya magsalita. "N-namatay siya noong p-pinanganak ko s-siya."

"No..."

"N-nang lumabas siya sa m-mundong ito... wala na s-siyang buhay."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon