Chapter 7

361 14 0
                                    

CHAPTER 7

NAIPIKIT NI Gwen ang mga mata. Masyadong malalim ang galit niya sa binata pero ngayong nagmamakaawa eto sa kanya hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. May parte sa utak niya na gusto itong pagtulakan at sumbatan pero may parte rin sa kanya na gusto niya itong bigyan ng isa pang pagkakataon.

Napailing siya.

"Theo... masyado mo kasi akong nasaktan e." Sabi niya sa mababang boses. "masyadong malalim na hindi ko basta basta nakakalimutan. Nung makita kita ulit bumalik lahat ng sakit. At sa tuwing nakikita kita wala akong ibang maalala sa'yo kundi 'yong paghihirap ko nung iniwan mo 'ko." tumulo ang mga luha niya sa mata na mabilis niya naman pinunasan iyon. "oo ako ang pumutol ng relasyon natin pero inantay kita. Inantay pa rin kitang bumalik kasi baka magbago isip mo e. Baka kami na ang piliin mo, baka naguguluhan ka lang nagulat pero hindi e. Nagdaan ang araw, linggo, buwan at taon hindi ka nagpakita sa'kin. Wala kang paramdam."

Sunminghot singhot siya dahil sa tuluy tuloy na luhang lumalabas sa mata niya.

Pati na ang binatang kaharap ay umiiyak din.

"I am sorry Gwen... I am really really sorry. Nung mga panahong 'yon nabigla ako sa binalita mo sa'kin. Nabigla ako nang sabihin mong buntis ka. I admit that I wasn't really ready for it dahil noong araw din na 'yon nakatanggap ako ng e-mail na nakapasa ako sa audition entry ko. Sobrang saya ko no'n kasi matutupad na ang matagal kong gusto kaya natakot ako. Natakot ako Gwen. Aaminin ko naging duwag ako, mahina at walang kwentang tao dahil sa sinabi ko pero nagsisisi ako Gwen. Nagsisisi ako sobra."

Hinawakan ni Theo ang mga kamay niya na hinayaan niya naman.

"Pero ilang araw lang nang wala ka pakiramdam ko mamamatay ako sa pag-iisip sa'yo at sa magiging anak natin. Kaya sinubukan kitang puntahan pero alam pala ni Mommy na hiwalay na tayo kaya noong nalaman niyang pupuntahan kita ikinulong niya ako sa bahay namin at hindi pinalabas. I felt like I was house arrest. Hindi ko din siya maintindihan kung bakit ginawa niya 'yon sa'kin e alam kong gusto ka naman niya noong una para sa'kin."

Umawang ang labi ni Gwen sa sinabi nito. Ang nanay ni Theo? Ikinulong siya? Ganoon nalang ba siya nito kadisgusto para paghiwalayin sila at hindi magsama?

"Ni hindi na nga dapat ako tutuloy sa audition pero si Ate ang nagsabi na tutuloy ako at si Mommy naman dinala niya ako sa States kahit ayaw ko. But she still pushed me and told me na kapag nagpagaling ako sa States sa sakit kong Pneumonia hindi ka na niya kakausapin para maghiwalay tayo. Nasabi ko naman sa'yo na sakitin ako hindi ba? Alam kasi ni Mommy na ayokong magpagaling sa States dahil ayokong mahiwalay sa'yo. Ayokong umuwi tapos hindi na kita girlfriend. Oo nga't high school student palang tayo noon pero seryoso ako sa'yo Gwen."

Napakagat labi siya nang marinig. Nagkasakit ito? Alam niya kung gaano kahirap ang sakit na Pneumonia dahil may kilala siya noon na ganito rin ang klase ng sakit.

"Pero after a year, gumaling ako. Nagpagaling ako kasi gustung gusto talaga kitang uwian. Pero noong pumunta ako sa bahay niyo wala na kayo d'yan. Ang sabi nasa probinsya na daw kayo. Tinanong ko kung saan sa probinsya pero wala ding sumagot sa'kin. Isa pa si Jessica na nasa bakasyon naman nung panahon na 'yon kaya hindi ko siya natanong," kwento nito sa kanya na hindi niya namalayang hinahaplos na pala ang mga kamay niya. "kinailangan ko din bumalik sa States kasi pumirma ako sa kompanya namin na magte-training ako bilang isang band member. Hanggang sa ikalawang taon wala ka pa din at hindi pa daw umuuwi."

Ayun ang mga panahong pinagbubuntis niya si Tristan sa probinsya nila at namatay ang Papa niya kaya hindi sila nakauwi agad. Bumalik pala ito pero wala naman siya.

"Bakit hindi mo 'ko tinawagan?"

"Mom took my phone noong nakahouse arrest ako hanggang sa mapunta ako sa States. Noong nakuha ko phone ko wala na 'yon sim card. Tinanong ko si Mommy kung nasa kanya ba pero sabi niya hindi daw at hiniram daw ni Selene 'yong cell phone ko."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon