Chapter 25

293 10 0
                                    


CHAPTER 25

MAGKAHAWAK KAMAY na pumapasok si Gwen at Theo sa unibersidad nila. Kinakabahan siya actually pero magkasama naman sila ni Theo e. Hindi dapat siya kabahan.

May mga estudyante na kinikilig para sa kanilang dalawa, nginingitian sila, pero may mga estudyante rin na naiinis sa kanilang dalawa. Meron din na walang pakialam.

"Anong oras tapos ng klase mo?"

"Mga 4. May special exam kasi ako e."

"Special exam?"

"Oo. Hindi ako naka-attend nung last time e."

Kumunot ang noo ni Theo. "Bakit? May nangyari ba?"

Hindi na sana niya sasabihin pero kinulit siya ni Theo. "Nakipag-away ako sa mga fans mo at kay Bernadeth no'n. Kaya ayun. Hindi na ako naka-attend sa last exam ko."

"What?! Nakipag-away ka?!"

Tumango siya. "Hayaan mo na 'yon --"

"No, it's not okay! Kaya pala may pasa ka nun? Sabi na e. Hindi ako naniniwala na nauntog ka lang."

Tinanong kasi siya nito kung anong nangyari sa mukha niya pero sabi niya nauntog lang siya.

"Hayaan mo na. Kasama ko naman si Justyn at Jess -- "

"Now I am mad and jealous. Bakit nandoon si Justyn? Tinawagan mo ba siya? Bakit hindi ako ang tinawagan mo?"

Bumuntong hininga siya. "It just happened, okay. Busy ka pa no'n." Pero hindi talaga matablan si Theo ng kakalmahan. Kaya naman niyakap niya ito sa baywang. "Huwag na tayo mag-away dahil lang doon please."

Tumingin sa kanya si Theo at saglit na tinitigan sabay yakap pabalik. "Hindi naman ako nakikipag-away e. Naiinis lang ako sa mga gumawa no'n sa'yo. Atsaka nagseselos lang dahil dapat ako ang nasa tabi mo at hindi si Justyn."

Hindi niya mapigilang mapangiti. Nagseselos lang talaga 'to e.

"Okay sige para hindi kana mainis at magselos, magdate nalang tayo mamaya. Tayo ni Tristan. Ipagluluto ko kayo ng paborito niyong pagkain."

Unti unti niyang nakita ang pagngiti ni Theo. "Sabi mo 'yan ha."

Eto talaga oh. Gustung gusto talaga nito na ipinagluluto ko siya.

"Sige na parating na ang prof ko. Pumunta kana din sa klase mo."

Bago ito umalis ay hinalikan muna siya nito sa pisngi na ikinakilig niya naman.

Pagkapasok niya sa classroom ay lahat ng kaklase niya nakatingin sa kanya. 'Yong iba nakangiti sa kanya, pinag-uusapan siya at ang iba naman ay walang pakialam sa presensya niya.

Okay, Gwen. Masyadong mahaba ang oras na 'to para sa'yo.

Nang matapos ang buong klase at special examination niya ay umupo muna siya sa bench para antayin si Theo na may klase pa.

Kinuha niya ang cell phone niya na naka-off kanina pa. Kanina kasi nung nag-special exam siya ay pinakuha ang cell phone atsaka iyon tinurn off. Strikta kasi ang prof niya sa subject na 'yon e.

Kaya naman habang inaantay niya si Theo ay maglalaro nalang siya ng games. Pero naalala niya ang recording na ni-record niya nung huling mag-usap sila ni Selene. Kinuha niya ang earphone niya tapos pinakinggan niya 'yon.

Hah. Akala talaga ng babaeng 'yon ay makakatakas ito sa kanya? Hindi. Magtutuos pa silang dalawa at kailangan niya ng takutin ito ng husto para hindi na 'to makagambala pa.

Maglalaro nalang sana siya ng online games nang makita niyang nagri-ring iyon at nakita na tumatawag ang ina ni Theo. Bigla siyang nakaramdam ng kaba.

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon