CHAPTER 6
LAKAD TAKBO ang ginawa ni Gwen makarating lang sa ospital kung saan dinala ang anak niya. Sobrang nag-aalala siya sa kung anong nangyari na sa anak niya.
"Tristan Lim po." Aniya sa nars. "Tristan... Lim." Ulit niya pa sa nars at sa bawat segundong tumatagal ay naiinip siya at hindi mapakali.
"Ma'am PED Ward Room 110." Sagot ng nars at mabilis siyang kumilos para hanapin ang kwarto kung saan naka-confine ang anak. Nang makita niya ang room number ay mabilis siyang pumasok at hinanap ng mata ang anak.
"Tristan..." Halos nawalan siya ng dugo sa katawan nang makita ang anak niyang walang malay sa kama at may mga doktor na nakapalibot sa kanya. "a-anak ko."
"Ikaw po ba ang magulang ng bata?" Tanong ng doktor sa kanya na ikinatango niya.
"Ako nga po. A-ano pong nangyari sa anak ko? B-bakit po siya nawalan ng malay at nagkaroon ng pantal sa katawan?"
"Ayon sa findings na nakita namin ay inatake siya ng allergies niya sa peanuts. Mabuti nalang at naidala siya kaagad sa hospital because peanut for his body is a life-threatening reaction."
Umawang ang labi niya sa sinabi ng doktor habang tinititigan ang anak niyang wala pa ding malay at inaasikaso ng mga nurse.
"K-kamusta na po siya?"
"Your son is doing fine and he is responding well to our medication. Magkakaroon lang siya ng trangkaso na pwede niya namang idaan sa gamot."
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng doktor sa kanya. "Salamat, dok."
"Walang anuman. Maiiiwan ko na muna kayo."
Nilapitan niya ang anak na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog. Unti unti ng nawawala ang mga pantal nito sa katawan pero bakas pa din sa mukha ng anak na nahirapan ito sa nangyari.
May luha na bumagsak sa mga mata niya atsaka tinitigan ang anak. Sobra sobra ang pag-alala niya dito. Ang sakit para sa ina na tulad niya na makitang nahihirapan ang anak niya. Hinihiling niya na sana siya nalang ang mayroong ganitong klaseng sakit at hindi ang anak niya.
"I am sorry, Gwen. I am really sorry." Ani ng nasa likod niya. Paglingon niya ay nakita niya si Ate Elaine.
"Ate Elaine, wala po kayong kasalanan. Nagpapasalamat nga po ako sa inyo na dinala niyo po ang anak ko kaagad sa ospital. At nalaman ko din po kung saan siya may allergy."
Hinaplos nito ang kanyang balikat. "I know how it feels to worry so much for your kid. Magiging okay din ang lagay ni Tristan."
Tumango siya at napangiti sa sinabi nito.
Kalauna'y nauna na rin itong umuwi at ito na din ang nagbayad ng hospital bills na mabilis niyang itinanggi noong una pero nagpumilit pa din ito. Naisugod daw kasi si Tristan sa ospital sa bahay niya at magiging mapanatag lang ito kung sa makabawi man lang ito sa hospital bills.
Nakaupo siya sa tabi ng kama ng anak nang tumunog ang telepono niya.
"Jess?"
"Girl, ano ba ang nangyari sa'yo at umalis ka bigla? Ni hindi ka man lang nagpaalam."
Nakagat niya ang labi nang maalala ang food tasting nila kanina. "Sorry Jess. Sinugod kasi si Tristan sa ospital e."
"Wait, ano? Sinugod si..." mukhang natigilan ito at umalis sa kung nasaan man siya. "Anong nangyari?"
"Inatake siya ng allergy niya. Buti nalang at nadala siya sa ospital kung hindi," nagsimula na namang tumulo ang mga luha niya sa mata, "kung hindi pwedeng ikamatay ni Tristan ang allergy niya."
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
RomansaGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!