A/N: Sana magustuhan niyo :)))CHAPTER 14
'I AM SO proud of you, baby. I love you!' Then hit send. Iyon ang text message ni Gwen kay Theo habang naglalakad ito papunta sa klase niya.
Nangingiting tinago niya ang cell phone nang mapansin niyang nakasalubong niya si Selene at may mga cameraman itong nakapaligid sa kanya. Nagtama ang mata nilang dalawa pero hindi niya na ito pinansin. Naglakad nalang siya.
"Theo is mine," napalingon siya sa sinabi nito habang kausap ang ilang interviewer. Natigilan siya kasi parang siya ang kinakausap nito. "And I intend to have him alone."
Hindi niya ito pinansin. Show business lang naman ang relasyon nila ng kasintahan niya e. So bakit niya kailangan maging affected?
"Woah, ang sweet sweet niyo nga Miss Selene e. Buti nakakapagdate pa kayo ni Theo despite na sobrang busy ng schedule niya." Ani interviewer dahilan para matigilan na naman siya.
Nagdi-date sila?
Nakita ng gilid ng mata niya na pasimpleng tinitingnan siya ni Selene na may pang-iinis na ngiti at humarap sa mga nagi-interview sa kanya.
"I know right! He's really sweet when it comes to me. He always make time for me, lagi niya din ako inaalala, and of course he will sing me a song kahit pa na pagod siya kaka-practice niya with a band." Tapos ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis na ang sarap naman sungalngalan.
Napairap siya sa hangin. Alam na alam niyang siya ang pinariringgan nito dahil kung magpainggit ay wagas. Pero 'di siya naiinggit, dahil lahat ng sinabi nito ay pawang kasinungalingan lamang.
And FYI, ako ang kinantahan niya!
Totoo nga ang sinabi ni Jessica tungkol kay Selene. Ambisyosang palaka ito.
Pero natigilan siya sa sinabi ni Selene. "He even bought me a necklace for my upcoming birthday. Isn't he sweet?"
Pinakita pa nito ang kwintas na soot niya sa mga taong nakapalibot sa kanya at pasimpleng sa kanya din!
No. Hindi naman 'yon magagawa ni Theo 'di ba? Hindi niya naman ito bibigyan ng kung anomang regalo nang hindi nagsasabi sa kanya.
Umiling siya at nagtungo sa susunod niyang klase.
Pero kahit na ganoon nasa isip niya pa rin yung sinabi ni Selene kanina.
Iniling niya ang ulo. Hindi ko na dapat isipin 'yon.
Hanggang sa matapos ang klase niya napagpasyahan niya munang magrestroom. Paglabas niya ng cubicle ay nakita niya si Selene na naglalagay ng kolerete sa mukha.
Nagtama ang mga mata nila sa salamin pero 'di niya 'to pinansin. Naghugas lang siya ng kamay.
"Dapat kapag ex na, ex na."
Napalingon siya sa sinabi nito atsaka isinara ang faucet. Silang dalawa lang ang nasa comfort room. "Ako ba ang kausap mo?"
Tumingin ito sa kanya. "Oo. Ikaw nga, Miss Role Model. Ex ka ni Theo hindi ba? But I wonder, bakit kaya lagi kitang nakikita at parang dagang umaaliligid sa amin?"
"Hindi lang ako basta ex lang ni Theo."
"Talaga? Huwag mong sabihing may feelings ka pa din sa kanya? Oh come on, Theo is my boyfriend. He's mine!"
"He's yours? E sa pagkakaalam ko pakulo lang naman ang relasyon niyo sa mata ng publiko e. Show business lang na boyfriend mo siya."
Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni Selene.
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
Storie d'amoreGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!