CHAPTER 20
"ANAK NIYO ni Theo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Selene. Tumawa ito sa sinabi niya na para bang nagbibiro lang siya. "Come on, ganyan kana ba ka-disperada, Gwen? Do you really want to own Theo that much for you to play an act that you have a family? Wow! Just wow."
Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Selene, you know that there's a possibility that I might have a family with Gwen." Ani Theo rito. "Please, if you won't say good anything just leave the house."
Umawang ang labi ni Selene sa sinabi nii Theo. "S-so you really h-have a family?"
"Hello po Tita Selene. I am Tristan po."
Tumingin lang si Selene kay Tristan at hindi nito pinansin ang pagbabati ng anak niya rito. Nakaawang pa din ang bibig nito at parang hindii makapaniwala sa nangyayari.
Tumingin si Selene kay Azaleah. "Hindi mo sinabi sa akin?"
"No. It's not like that. Ngayon lang namin nalaman."
Umiling iling si Selene atsaka ito tumingin sa kanya. "I can't believe this."
"Selene..." Sinubukang lapitan ni Azaleah si Selene pero umatras ito at humakbang paalis. "Kakausapin ko lang siya." Ani Azaleah at sinundan nga ang papaalis na Selene.
Napatingin siya kay Theo na nasa tabi niya. "Okay ka lang ba?" Tanong nito sa kanya.
Tumango siya. "Oo. Ayos lang."
Hindi maiwasang mag-isip ni Gwen. Akala niya okay na ang lahat, akala niya masaya na sila. Pero malakas ang kutob niya na may mangyayari pang hindi maganda sa susunod na mga araw.
"OKAY LANG naman kami ni Tristan dito Ma." Sagot niya sa ina ng kumustahin siya nito sa tawag. "Ikaw po dyan? Okay ka lang ba dyan sa bahay?"
"Oo naman ayos lang naman ako. Nag-aalala lang ako sa inyong dalawa ni Tristan at baka lapitan na naman kayo ng reporters." Bumuntong hininga ito sa tawag. "nandito araw araw nga reporters at nakatambay sa labas ng bahay natin. Ayaw pang magsiuwi. Minsan nga ay sobra ang niluluto ko para makakain naman sila. Mga kawawa naman."
Napangiti siya sa tinuran ng ina. Napakamaalalahanin talaga ng ina niya kahit pa na ang kukulit ng reporters.
"Mabuti naman po Ma. Baka maglagi pa po muna kami ni Tristan dito sa condo ni Theo habang hindi pa humuhupa ang issue."
"Mas mabuti. Huwag mo din ako isipin dito anak. Baka sa susunod na linggo ay lumuwas na naman ako sa probinsya para bisitahin ang tiyahin mo. Sabi sa akin ng mga kakilala namin doon ay bumabalik na naman ang sakit niya."
Tumango tango siya sa sinabi ng ina. "Sige po Ma. Mag-iingat po kayo ha." Sambit niya nalang at ibinaba na ang tawag. Tumingin siya kay Theo na kasalukuyang nakatingin sa kanya. "Nandoon pa din daw ang mga reporters. Gustung gusto pa din ako tanungin."
Hinawakan ni Theo ang mga kamay niya. "Huwag ka mag-alala, huhupa din ang mga isyu. Nagbigay na ako ng statement ko sa nangyari kaya huwag ka ng mag-alala."
Tumango tango siya. Pero hindi niya pa din maiwasang mag-isip ng kung anu ano. "Alam na ni Selene na may anak tayo." Sinalubong niya ang tingin ng kasintahan. "Pakiramdam ko may hindi mangyayaring maganda e."
"Hey, don't think that way. Hmm? Kakausapin ko si Selene. Alam kong hindi siya gagawa ng ikasisira ng imahe niya."
"Kakausapin mo siya?" May halong selos ang tono ng boses niya.
Hinalikan ni Theo ang noo niya. "Oo. Kailangan para hindi mangyari ang pinakakinatatakutan mo. Ayokong nag-aalala ka at nag-iisip ng hindi maganda."
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
Storie d'amoreGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!