Chapter 2

442 14 2
                                    


CHAPTER 2

"SEE YOU LATER, baby." Hinalikan ni Gwen si Tristan sa pisngi bago ito tuluyang sumakay sa school service nito at pagkatapos ay ikinaway niya ang kamay sa ere na para bang tutugon ang anak niya. Napangiti siya atsaka napagdesisyunang bumalik sa bahay nila pero natigilan din nang maalala niyang itinapon niya sa basurahan ang kahon na puno ng alaala nila ni Theo.

Hindi niya na makita ang kahon na iyon sa pinagtapunan niya at wala na din ang basura. Ibig sabihin ay tuluyan na itong natapon at hindi niya na makikita pa iyon muli kahit kailan.

Napabuntong hininga siya.

Nag-ayos siya ng sarili para makapasok na sa eskwelahan. Pagdating niya sa klase nila ay mabilis niyang kinuha ang libro para magbasa basa ng mga iba't ibang ingredients na maaari niyang gawing putahe. Isa kasi siyang culinary student at pangarap niya ang makapagpatayo ng sariling restaurant balang araw.

"Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Trixie?" Bulungang naririnig niya naman sa likod niya.

"Trixie? 'Yong isa sa mga Miss Role Model ng Business Administration department?"

"Oo." Mas lalong hininaan ni Diane ang boses niya para walang makarinig pero tiyak niyang naririnig niya pa din ang usapan ng dalawa. "buntis pala siya."

"Omg. Talaga?" Gulat na sabi ni Pia na ikinakaba niya naman. "ibig sabihin nawala na ang titulo niya dito?"

"Oo sis. Ang malala pa doon nawala ang full scholarship niya kaya ang daming nagsasabi na hirap na hirap siyang makapagbayad ng tuition fee niya." Kwento pa nito.

"Tsk. Alam mo sa panahon natin ngayon hindi naman na nakakagulat na may mabuntis tayong ka-batchmate or what, but Trixie signed up for her title. She should have known better what she's doing. Ngayon, hindi lang siya ang mahihirapan kundi ang baby sa tummy niya." 

Huminga siya ng malalim at hindi namamalayang mahigpit na pala ang pagkakakapit niya sa ball pen na hawak.

"True, sis. Disappointed na disappointed ang Dean ng department nila. Kinansela lahat ng opportunities na ibibigay sana sa kanya. Sayang talaga."

Mabilis ang tibok ng puso ni Gwen sa mga naririnig at parang nawalan siya ng focus sa pagbabasa. Kapag nalaman ng tao na may anak na siya, mawawala din ang titulo niya bilang Miss Role Model at mawawala lahat ng oportunidad na pinagsikapan niya buong kolehiyo. Ayaw niyang masira ang buhay niya at mas lalong ayaw niyang masira ang buhay ng anak niya.

Hinihiling niya nalang sana na maka-graduate siya ng walang problema at walang nakakaalam sa tunay na kondisyon niya.

"Good morning class!" Ani ng kanilang propesor at dire-diretso ito sa lamesa nito. Lahat naman ng kaklase niya pati siya ay nag-ayos ng upo. "So today I have an announcement for you. The university is having an event and you, my students, are one of the qualified students to help the university."

Kanya kanyang bulungan ang narinig niya habang siya naman ay nag-aantay sa susunod na sasabihin ng propesor. 

"Next next week we will be having our food bazaar event for the Annual Foundation of University. At dahil mga graduating students kayo binibigyan kayo ng university na i-excel ang inyong mga natutunan for the entire college years. I will group you into 5 groups at kayo ang mamimili kung anong theme at menu ang pakulo ninyo sa food bazaar. Kung sino man sa inyo ang may pinakamataas na sale for one week the group will have a chance to cater the wedding event in Batangas."

At lahat ng mga kaklase niya pati siya ay nagpalakpakan sa inanunsyo ng propesor. Isang napakalaking oportunidad iyon para sa kanya dahil iba't ibang tao ang maaaring makatikim ng specialty niya. Hinihiling niya na sana ay isa siya sa mga manalo.

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon