A/N: Super busy these days... kakanood ng k-drama HAHAHAHAHA. Hi Safelyhaven sana masarap ulam niyo ngayon :)))To Kathleen my labs, if you happen to read this, thank you for shedding your tears to my one shot story "PAUBAYA"
Happy reading!
CHAPTER 19
HINDI MAPAKALI si Gwen sa loob ng sasakyan ni Theo. Nakailang ulit na siya ng buntong hininga pero 'yong kaba niya hindi pa din mawala wala. Gosh. Hindi naman ito ang unang beses na makikilala niya ang magulang ni Theo pero abot abot pa din ang kaba niya.
"Relax, baby, Mom and Dad's not gonna eat you alive." Pagkunsola sa kanya ni Theo at sinamahan pa ng ngisi sa labi. Kanina pa siya sinasabihan ni Theo na huwag kabahan o huwag masyadong maging tensyonado pero hindi niya talaga maiwasan. Para siyang pinagpapawisan ng malapot at kumukulo ang tyan niya.
"E kasi e. Paano kung hindi talaga nila ako magustuhan? Oo gustung gusto ako ng Mommy mo nung una pero nung katagalan hindi na. Pati na din ng Ate mo, from the start hindi niya naman talaga ako gusto. Paano kung... paano kung... hay ewan." Napalabi siya.
Hinawakan ni Theo ang kamay niya kahit pa na nakatingin ito sa daanan habang nagmamaneho. "Baby, 'di ba sabi ko naman sa'yo, positive man o negative ang kalalabasan, kayo pa din ni Tristan ang pipiliin ko. Kaya huwag na mag-alala at mag-isip okay?"
"Hindi kaba kinakabahan sa mangyayari?"
"Nung una oo. Pero naisip ko bakit ako kakabahan? Confident ako masyado pagdating sa inyong dalawa ng anak natin. Hindi ako mahihiyang maaga akong nagkapamilya."
Napabuntong hininga siya. Hindi niya talaga maiwasang mag-isip at mag-alala. Pakiramdam niya ang bilis bilis ng byahe.
"Mommy Daddy, are we going to Daddy's family house?" Excited na tanong ni Tristan na nasa likod nila habang hawak ang isang stuff toy na bigay sa kanya ni Theo.
"Yes Baby, makikilala mo doon ang Lola at Lolo mo." Nakangiting sagot ni Theo.
"Yehey! Another Lola and I have a Lolo! Yehey! I am so excited to meet them! Yehey!" Sayang saya na sabi ni Tristan samantalang siya naman ay kakaba kaba pa din.
Ngumiti si Theo. "Oo anak. Hindi lang 'yon, may Tita ka pa. For sure, your Tita Azaleah will like you."
Umawang ang labi ni Tristan sa tuwa. "Woah! May Tita po ako? I wanna meet her Daddy! Excited na po ako makipag-play sa kanya."
Siya naman ang kumausap kay Theo. "Tingin mo magugustuhan siya ng Ate mo?" Baka kasi hindi e. Ayaw pa naman niyang masaktan ang damdamin ng anak kapag nalaman nito na hindi siya gusto ng Tita Azaleah nito.
"Yep. I am 101% sure. Ate Azaleah likes kids so much. Balak pa nga niyan noon maging isang teacher dahil gusto niya talaga ng bata. She smiles genuinely whenever she's around with kids. Kahit napakataray at suplada no'n sa paningin ng ibang tao, pagdating sa akin at sa mga bata, malambot 'yon."
Napangiti naman siya sa narinig niya. Kahit papaano nabawasan ang kabang naramdaman niya. Ayos lang naman na hindi siya magustuhan ng pamilya nito, sanay na siya sa pangungutya ng ibang tao dahil sa maaga niyang pagbubuntis, pero ang anak niya ang hindi niya matatanggap kapag nasaktan ang damdamin nito.
She loves her son so much.
"Mabuti naman kung ganoon." Sabi niya na lang.
"So don't worry, baby. Nandito lang ako sa inyong dalawa ni Tristan. Hindi ko kayo hahayaang masaktan." Binigyan siya ni Theo nang isang matamis na ngiti habang hinahaplos nito ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
RomanceGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!