A/N: May mga errors ata akong nalagay. Mwehehe e-edit ko nalang siya pag may time.Have a good day, guys!
CHAPTER 10
KINAKALIKOT NI THEO ang cell phone nang matapos silang mag-ensayo sa practice room nila. Malapit na kasing lumabas ang single nila na parehong ila-launch sa America at Pilipinas. At ngayong may free time siya ay hindi siya mapakali kung bakit hindi pa nagre-reply si Gwen.
Nakatanggap kasi siya ng balita mula kay Gayle, kinakapatid niya sa mother's side, na nananalo ang grupo nila as first place winner. Masaya siya dahil paniguradong masaya ngayon si Gwen.
"Hey, Phoenix boys, you have free time today hanggang Sabado at Linggo. You can use it as your leisure or if you want magpractice kayo. Basta magpahinga kayo ah. Don't rush and tire yourself. Your single release is next week kaya dapat on shape kayo. Got that?"
"Yes Kuya Ty!" Sabay sabay nilang sabi.
Tamang tama naman na paalis na sila. Mukhang may kanya kanyang plano ang mga kaibigan niya dahil dala nito ang mga pangpersonal na sasakyan.
"Mukhang may pupuntahan kayo ah." Aniya sa mga kaibigan nang makasabay niya ito sa parking lot ng building nila.
"Pupuntahan ko ang magulang ko. Miss na miss na nila ang napakagwapo nilang anak e." Ani Fourth at ngi-ngisi ngisi pa. "Alam niyo namang mahal na mahal ako ng magulang ko."
"Yeah, sa sobrang pagmamahal nila sa'yo gusto ka na nilang i-reto sa kung sino sinong babae para magtino kana." Ani Clenze na ikinatawa nila. Yeah, Fourth is always set on a date by his parents. Hindi nga niya alam kung natutuwa ba ito sa babaeng kung sinu-sino ang nakakadate o naiirita na ba ito dahil hindi nito tipo ang mga babaeng nakaka-date.
Umirap sa hangin si Fourth. "Hays. Hindi ko na alam gagawin ko sa mga pinapa-set up sakin ni Mommy. Ang sakit sa ulo!"
"Ikaw ba?" Tanong ni Clenze sa kanya.
Napangiti siya sa naalala niya. "I am going to my soon to be girlfriend's house."
Kanya kanyang 'woah' naman ang narinig niya sa kaibigan. "Same bud. Same."
"Same?" Tanong niya. "at sino naman ang magiging soon to be girlfriend mo? Don't tell me it's Gayle?" Naalala kasi niya na tinanong nito kung ano pangalan ni Gayle noong kumain sila sa pasilyo.
Umingos si Clenze sa sinabi. "I was just kidding when I asked her name. Hindi siya ang type ko at hindi siya ang magiging soon to be girlfriend ko."
"Then who?" Tanong naman ni Kaiuz.
Clenze just smiled mysteriously. "The most beautiful woman in Cinematography course." tass baba ang kilay nitong sabi.
Theo just grinned. Clenze is not a type of person who do dates. Ito ang pinakatipo na tao na dedicated sa trabaho at sa mga ginagawa niya. Seryoso siya sa mga ginagawa niya kaya ngayong nalalaman niya na may 'soon to be girlfriend' ito ay tiyak na swerteng babae iyon dahil seryosong tao itong si Clenze.
"How about you, Kaiuz? Saan ang balak mo ngayon?" Tanong ni Fourth kay Kaiuz na ngayon ay binuksan na ang pinto ng kotse.
Kaiuz shrugged off. "Somewhere over the rainbow!" Atsaka ito pumasok sa sariling kotse. Naiiling nalang siya. Ang hilaw na Amerikano talaga na 'yon.
"Bye buds. See you later." Ani Clenze at sumakay na din sa sarili nitong kotse. Nagpaalam na din sila sa isa't isa at siya naman ay pinaharurot ang kotse papunta kina Gwen.
He actually wants to spend his free days with her. Papayag kaya siyang magout of town kami?
Desire bubbles his thoughts. Just the thought of sleeping in bed with Gwen on his side is enough for his body to feel alive. And he can't help but to smile on that thought.
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
RomanceGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!