Chapter 21

235 10 0
                                    


CHAPTER 21

MABILIS NA HINAHANAP ng tingin ni Theo si Gwen para makausap. He badly need to see and talk to her as soon as possible. At nang makita niya ito sa bahay nila habang nag-aaral ay tinawag niya ito, hinila pataas at niyakap ng mahigpit.

"I am sorry baby. I am sorry." God. He's so stupid! Really really stupid. "Hindi ko sinasadyang magdalawang isip sa inaalok sa akin ni Selene. All I wanted is for you to not overthink. Ayokong mangamba ka na baka ikalat ni Selene na may anak tayo. Kung sa akin lang, wala akong pakialam na malaman ng mga tao na pamilyado na akong tao pero ikaw ang inaalala ko. I know how education means to you, and I am not selfish to take it away from you." Bumaklas siya sa yakap at tinitigan ito. "Hindi ko sinasadyang magdalawang isip sa offer niya. If I had known that you already know about it, I would say no immediately."

Ngumiti lang ito sa kanya at hinawakan ang pisngi niya para dampian ng halik. "Don't you dare say yes to her, Theo. Masasaktan mo talaga ako pati na din si Tristan."

Napayuko siya sa sinabi nito. "I am sorry again. Pero, paano 'yan? Kung ikakalat ni Selene na may anak na tayo."

Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ako natatakot. May sapat na ipon naman na ako para tustusan ang pag-aaral ko sa huling semestre. Sapat na iyon."

Malalim na napabuntong hininga si Theo. "Hindi ako papayag na mangyari 'yon Gwen. Hindi ko hahayaang sirain ka niya."

Kahapon nakipag-usap siya kay Selene para pakiusapan na huwag ipagsabi kahit kanino ang nakita niya. Pumayag naman ito pero sa isang kundisyon. Iyon ay ang maging girlfriend niya ito. Gusto nitong baliktarin ang mundo. Si Gwen ang kilalang girlfriend ng lahat, at si Selene naman ang tinatagong girlfriend niya.

Of course he instantly said no. Gwen means to his life. And hurting her again will be the dumbest decision he will ever make. Pero naalala niya ang kwento sa kanya ni Gwen noon na gusto nitong makapagtapos ng pag-aaral. Naaalala niya pa kung gaano ito kadesperada makapagtapos ng pag-aaral para sa anak nilang dalawa.

"But how did you know Gwen? Na bibigyan niya ako ng kondisyon para hindi ikalat na may anak na tayo?"

Kumibit balikat ito. "Feel ko lang. Hindi ko naman akalain na tama ang hula ko. Tsk. Nag-aartista ba siya? Para namang nasa isang palabas tayo para gamitin niya pa ang gano'ng linyahan."

Napangiti siya. "Hindi kita pababayaan kung sakaling mangyari ang ikinakatakot mo. Ako ang sasagot ng pag-aaral mo. Sisiguraduhin ko na makaka-graduate tayo ng sabay at pareho nating kasama si Tristan sa araw na 'yon." Hinalikan niya si Gwen sa noo. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita Theo. Pero hindi mo na kailangan gawin iyon. Itabi mo nalang ang pera mo para sa mga bagay na hilig mo. May naipon naman ako."

Umiling siya. "Still I will help you. Hindi ko hahayaang mag-isa ka lang sa laban na 'to. Nandito lang ako palagi nakaalalay sa'yo pati na din sa pangarap mo."

Nakita niya ang pagngiti ni Gwen sa sinabi niya at niyakap siya nito. "Maraming salamat Theo. Salamat kasi nandyan ka lagi para sa akin. Pinalalakas mo ang loob ko. Sa totoo lang kinakabahan ako at kanina pa ako nag-iisip na baka ikalat na nga ni Selene ang tunay na sitwasyon natin. Ilang ulit na akong pabalik balik sa pagtingin sa cell phone ko pero wala naman akong napapala. Ni hindi din ako makapag-aral ng maigi. Iniisip ko kasi ang mangyayari sa susunod e."

Hinahagod ni Theo ang likod niya habang yakap niya ito. "Shh. Huwag ka ng mag-isip. Hindi ko hahayaan na masira ka o husgahan ka ng mga tao. At kung mangyari man 'yon nandito lang ako para sa inyo ng anak natin. Kayo ang lagi kong pipiliin."

Mas lalong humigpit ang yakap ni Gwen sa kany kaya ganoon din ang ginawa niya.

Hinanda niya na ang mga gagawin niya kung sakali man na magkagulo ang lahat lahat. Binuksan niya ang laptop niya sa desk table na nasa loob ng kwarto nila atsaka sinulyapan ang mag-ina niyang natutulog.

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon