Chapter 1

693 20 4
                                    


CHAPTER 1

INI-SCAN ni Gwen ang ID niya sa isang scanner machine atsaka tuluyang pumasok sa Lancaster University. Mamaya maya pa naman ang klase niya pero pinili niyang maging maaga para may panahon pa siyang makapag-aral o makita ang kanyang matalik na kaibigan.

Habang naglalakad ay naabutan niya ang best friend niyang si Jessica na kasama ang boyfriend nitong mukhang paalis na dahil may klase pa ito. Nilapitan niya ito atsaka tinabihan.

"Sino 'yon?" Pangbungad niya kaagad sa kaaalis palang na kasintahan nito. Mukhang may bagong boyfriend na naman kasi ang kaibigan niya.

"Ah si Deric 'yon. Kaklase ko sa isang subject." Nakangiti nitong sabi sa kanya. "Ang aga mo ulit pumasok ah. Namiss mo ba ako kaya gusto mo 'kong maabutan?" Anito atsaka niyakap siya.

"Gaga," aniya atsaka pabirong sinamaan ng tingin ang kaibigan. "ba't kita mamimiss e halos lagi ka nalang na sa amin."

Ngiting aso lang ang tugon ni Jessica sa kanya. "Alam mo naman kung sino ang gusto kong puntahan sa bahay mo at hindi ikaw 'yon. Bleh."

Sasagot sana siya sa pang-aasar nito nang may mga bumati sa kanya ng magandang umaga na binati niya din naman ng pabalik. Nakailan ding estudyante ang bumati sa kanya hanggang sa nagsalita na ang kaibigan niya sa kanya.

"Grabe. Iba talaga kapag Miss Role Model ng university na 'to. Ang famous." Panunudyo ng kaibigan niya sa kanya.

Umiling siya atsaka binuksan ang isang libro na babasahin niya. "Kung alam mo lang Jess."

Hindi man siya nakatingin sa kaibigan ay naramdaman niyang malalim itong napabuntong hininga.

Sa lahat ng tao, isa si Jessica sa mga nakakaalam ng pinagdadaanan niya sa buhay at kung bakit pa ito nakakapag-aral sa isang napakagandang unibersidad. Hindi madali ang ginagawa niya dahil pinaghalong pressure at responsibilidad ang kailangan niyang gawin sa araw araw na ginawa ng Diyos.

Isang semester nalang at matatapos na din ang paghihirap niya. Magiging malaya na din akong sabihin sa buong mundo ang tunay kong kalagayan.

"Ay, nabalitaan mo na ba?" Napatingin siya sa kaibigan na mukhang may bagong chismis na namang ihahatid sa kanya.

Pasimpleng umikot ang mga mata niya sa kaibigan. "Jess, kung pagchichismisan lang natin ang buhay ng ibang tao pass ako dyan."

"Hindi. Well, sort of. Pero alam mo bang may another celebrity na naman ang papasok dito sa Lancaster University?"

Sinabi niya na. Another chismis from her best friend na kung hindi tungkol sa mga estudyanteng kilala nila ay sa mga artista naman na enrolled dito sa Lancaster University.

Hindi niya pinansin ang kaibigan pero nanatiling nakabuka ang bibig neto para magkwento.

"Sabi may boy band na sumikat sa America ang papasok dito sa Lancaster University. May mga nagsabi na for show business lang 'yong pagpasok nila dito. Then yung isang member do'n, 'yong nali-link sa feeling maganda na si Selene. Like omg. Siguro kapag nandito na sila talagang parang nagkaroon na ng movie dito."

Hindi niya pinapansin ang mga pinagsasasabi ng kaibigan hanggang sa narinig niya ang ilang sigawan ng mga tao dahil mukhang nandito na ang 'campus princess' ng eskwelahan nila.

"Well, it's none other than Selene Gutierrez." Ani Jess na iisa lang ang tinitingnan nila. "Grabe kung makaarte..."

Napatingin siya sa kaibigan. "Ba't ba galit na galit ka kay Selene? Ano bang ginawa niya sa'yo?" Takang tanong niya na hanggang ngayon ay masama pa din ang tingin nito kay Selene na papasok na sa klase habang nasa likod nito ang manager at PA.

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon