Chapter 26

299 10 0
                                    


CHAPTER 26

"ANO? NAKALAYA si Selene?" Hindi maiwasang magpantig ang tenga ni Gwen sa sinabi ni Theo at ng pulis sa kanya. Nanggagalaiti siya. "Paanong nangyari 'yon? Malinaw na malinaw ang ebidensya at may witness pa na kinuha niya ang anak ko!"

"Nakapagpyansa siya sa tulong ng kanyang ama. Iginigiit ng panig ni Selene na hindi niya ito kinidnap dahil kusang loob sumama ang bata sa kanya. Ang dapat daw ipakulong ay si Miss Bernadeth Malpaz dahil kasa-kasama nito ang bata bago naganap ang aksidente." Sabi sa kanya ng pulis na ikinagalit niya lalo.

Kumukuyom ang palad niya. "Kasalanan pa ba ng anak ko na sumama siya sa babaeng 'yon at nangyari ang lahat ng 'to?"

"Hindi sa ganoon. Ang tanging magagawa nalang natin ay ay hintayin ang anak ninyo na magising. Kapag nalaman natin na sinaktan siya pisikal ni Selene ay maaaring malaking laban iyon sa kanya at tuluyan na siyang makukulong."

Napatingin siya sa anak niya na wala pa ding malay. Dalawang araw na. Dalawang araw na simula ng maoperahan ito pero hindi pa din ito nagigising. Nag-aalala siya sobra pero nilalakasan niya nalang ang loob.

Napatingin siya sa TV na nakalabas at nakikita niya doon si Selene na nagbibigay ng statement sa press conference.

"It was an accident. Kusang loob sumama sa akin ang anak ni Theo at dahil anak siya ng naging boyfriend ko, kahit papaano malapit sa akin ang bata. Kaya pinasyal ko siya. And then I saw a friend, kilala ng kaibigan kong 'yon ang magulang ni Theo kaya nakisuyo ako na ibalik nila ang bata dahil may schedule pa ako. But I never thought accident like this would happen. K-kung alam ko lang, sana ako nalang ang naghatid sa bata. H-hindi ko naman naisip na pati bata idadamay ni Bernadeth. Malaki ang galit niya kay Gwen, sa girlfriend ni Theo, dahil role model ito ng campus namin at siya hindi. Kaya hindi na nakakapagtaka na idamay niya pati ang bata!"

"Sinungaling!" Sigaw niya. Hindi niya na napigilan at galit na galit niyang pinatay ang TV. "Nagsisinungaling siya! Nagsisinungaling siya!"

"Iyan din ang statement na sinabi ni Selene sa mga nagiimbestiga sa kanya. Na si Bernadeth Malpaz daw ang may gusto ng nangyari at umaarte lang daw ito na may concern sa anak ninyo."

"Chief, posible naman na hindi magpakita sa amin si Selene hindi ba? Kahit nakalaya siya."

Tumango ang pulis. "Oo. Sa ngayon naka TRO siya sa inyo at hindi siya maaaring lumapit sa inyo dahil kung lumapit siya ay maaaring isa din iyon sa maging hatol para maipakulong siya."

Kumukuyom ang palad niya. Nagagalit siya. Hindi siya makapapayag na kampante itong naglalakad, humaharap sa mga tao na parang wala itong ginawang hindi maganda sa anak niya.

Hanggang sa makaalis si Theo at ang pulis ay nag-iisip siya ng maigi. Tinabihan niya ang anak. Pinag-iisipan niya ng maigi ang mga susunod niyang gagawin.

Naputol lang ang pag-iisip niya nang makita niya si Ate Azaleah. Kauuwi lang nito galing America dahil inaasikaso daw nito ang lagay ng kompanya nila.

"Gwen..." Tawag ni ate Azaleah sa kanya. "Kumusta na si Tristan? I've heard everything to Mom and Dad. How is he?"

"Hindi pa din siya nagigising, Ate Azaleah. Two days na."

"Anong balita kay Selene? Nakakulong na ba siya?"

Nakaramdam na naman siya ng galit sa puso niya nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon. "Hindi pa. Tinulungan siya ng tatay niya na makalabas ng kulungan. At malakas ang pakiramdam ko na marami ang tutulong sa kanya." Sabi ni Gwen habang nakatingin diretso kay Ate Azaleah. Tumingin din ito sa kanya.

"If you're thinking that I will help her to get out of the jail, you're wrong Gwen. Pamilya ko na ang idinamay niya at hindi ako makapapayag na hindi niya pagbayaran ang ginawa niya sa pamangkin ko."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon