A/N: Selene's birthday. And no, not her 18th birthday HAHAHAHA
CHAPTER 16
ABALA MAN SI Gwen sa buong araw na nagtatrabaho siya pero kitang kita niya sa malayo ang napakalagkit na tinginan nila Selene at Theo. Naiinis siya sobra. Naiinis talaga siya!
Nagsisimula na ang event. Ang dami ngang mga bisita ni Selene. Mostly mga artista, model, business partners and relatives ang pumunta sa birthday party ni Selene. May mga ilang nagcocoverage pa ng camera sa kanya.
"Good evening ladies and gentleman, tonight we are all gathered here in this wonderful place to celebrate our gorgeous and beautiful birthday celebrant. Tonight let's all welcome, Miss Selene Gutierrez!"
Lahat ng bisita ay nagpalakpakan nang lumabas si Selene at si Theo ang nag-escort rito paakyat sa stage. Kitang kita niya ang napakagandang kasootan nito. Long gown iyon na hapit na hapit sa katawan niya. Kitang kita niya ang magandang kurba ng katawan nito at mas nagbigay ng emphasize ang magandang kutis nito dahil sa kulay pula ng soot niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapatingin sa katawan niya.
Alam niyang may pagbabago na sa katawan niya simula nang manganak siya kay Tristan. Hindi niya tuluyang maiwasang ma-insecure. Pero nang mapatingin siya sa gawi ni Theo na nakatingin din pala sa kanya, nawala ang nararamdaman niya no'n dahil lumabi ito ng i love you.
Kinilig naman siya. Hay, kaya mahal ko 'to e.
Nagsimula na ang seremonya at sila namang mga cook at waitress ay nakatayo lang sa sulok.
"Thanks Steven. And thank you to everyone who made it tonight. Specially to my boyfriend's bandmates and management. Thank you. I hope you enjoy my birthday celebration." Matamis ang ngiti niyang sabi.
Napayuko nalang siya.
Nilalawakan niya nalang ang isip niya pero ang sakit sakit pa din talaga na inaangkin nito ang boyfriend niya samantalang wala naman itong karapatan.
Nakakainis.
Hindi niya na kayang magtagal pa doon kaya naman dumiretso nalang siya sa kusina at ininom ang kung anomang makikita niyang alak doon.
KANINA PA GUSTO umalis ni Theo mula sa pagkakakapit sa kanya ni Selene pero hindi niya magawa dahil nakatapat ang camera sa kanila at ini-interview sila. Pilit nalang siyang ngumiti rito at matipid din na sumasagot.
"Ang sweet mo naman Theo para sa birthday girl na si Selene. Mayroon ka bang special gift para sa kanya ngayong kaarawan niya?"
Ngumiti lang si Theo. "Wala naman."
"Ano kaba babe, nakalimutan mo na ba? We have a trip to Hawaii after my birthday." Tiningnan siya ni Selene na parang sakyan ko nalang ang sinabi nito pero iniwas niya nalang ang tingin niya sa kairatahan.
"Wow! Ang special naman ng birthday gift ng boyfriend mo sa'yo."
"Yeah. It's a celebration na din for his success single release. Diba, babe?"
BINABASA MO ANG
My Single Mom (COMPLETED)
RomansaGwen was sixteen years old when she got pregnant and become a single mom. Wait, what?!