Luke's POV
"Hoy punyawa kayo, tama ba yung dinadaanan natin?"
Natawa na lang ako sa sinabi ni Kai kahit na maging ako ay kinakabahan na rin dahil mag-iisang oras na ata kaming naglilibot dito tapos hindi pa rin namin mahanap yung bahay ng magiging stepfather ni Di.
"I think it's there!"
Lahat kami napatingin sa itinuro ni Kai. Nakahinga kami lahat nang maluwag dahil mukhang nahanap na namin. 'Yon yung bahay na nasa picture sinend sa'min ni Di.
Nang makababa kami maliban kay kuya Zeus na nagdadrive, agad naming naramdaman ang tinginan ng mga tao. Hindi ko naman sila masisisi dahil attractive talaga kami lahat lalo na ako. Pero seryoso, mukha kaming magbabakasyon dahil sa mga bitbit namin.
Mabuti na nga lang at 3 days walang pasok sa school. Hindi ko alam ang rason pero mabuti na lang din. Yawa lang. Pagod na pagod ako sa recitation sa lahat ng subject na nangyari kahapon. Buti na lang at nagbasa ako kung hindi baka maging katatawanan na naman ako tulad nung last year.
In fairness sa boyfriend ni tita, mabait ito at mukhang natanggap niya kina Di at Aides. Hindi ko nga maiwasang mainggit kanina habang nagtatawanan sila. I've never experienced that again. Though hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong one day matatanggap din ako ni Dad. I know.
"Tito said that there are two free rooms in total. May dalawang kama ang bawat room so kayo na lang maghati-hati," sabi ni Di habang nakasunod kaming lahat sa kanya papunta sa mga kwarto sa second floor.
"How about Kai?" tanong ni Sei.
Oo nga pala. Sa kalokohan din ni Kai medyo nakalimutan kong babae pala siya.
I'm actually okay with sharing with her. Pero syempre nasa sa kanya pa rin ang desisyon.
"Don't worry she's sharing a room with one of Tito's niece. Kasama niya sa baba. Nagpasama kasi sa kanya bumili." Huminto si Di saka pumasok sa isang kwarto. "So... dito apat ang maghahati at sa katabing kwarto tatlo lang. Kayo na bahala maghati-hati ha. Punta lang ako sa baba para tumulong."
Nang makaalis si Di, agad akong sumilip sa room at tumingin sa kanila. Though ang awkward. I can feel the tension too.
"Mukha kayong inutangan diyan." Ngumiti ako sa kanila saka pumasok sa kwartong pinasukan kanina ni Di. "Dito na ako ha, bye!"
"Diyan na lang din kami ni Clyde!" rinig kong sabi ni kuya Zeus.
"Desisyon ang gago," sagot naman ni Clyde sa kanya.
"You can't do anything about it since you gave me your things. Wala ka bang kamay?"
Napapikit na lang ako nang marinig kong magbangayan na naman si kuya Zeus at Clyde. Pero buti na lang din dahil at least umingay yung paligid.
"I'm going there too."
Napahinto ako nang marinig kong magsalita si Henry at maramdaman ko ang mga yapak niyang papasok sa loob ng kwarto. Natigil ako sa paglagay ng gamit ko sa isang kama nang humiga siya roon at ilagay niya rin ang gamit niya.
Bakit naman dito pa?
Bakit sa mismong katabi ko pa?
"So it settles, we'll share this one bed Clyde," rinig kong sabi ni Kuya Zeus.
"How about you sleep at the floor instead? Yuck. Malaki man 'yang kama, it's still weird to share it with you."
Kinagat ko ang labi ko.
"Sa kabila--"
Hindi ko pa natatapos ang sasabin ko nang biglang magsarado ang pinto. Mukhang umalis na at pumunta na sa kabilang kwarto kina Sei.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...