WD 8: Believe Me

664 31 2
                                    

Luke's POV

AGAD ko siyang tinulak dahil doon. Naikuyom ko pa ang kamao ko habang sinasalubong ang titig niya.

"Ang kapal ng mukha mo Henry." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ganyan ka na ba kagago?! Na porket alam mo na... Porket alam mong gano'n ang nararamdaman ko sa'yo..." Yumuko ako. "Huwag mo na akong saktan pa lalo please lang."

Bubuksan ko na sana ulit ang pintuan nang hatakin niya ako't itulak nang malakas sa kama.

"Look at yourself." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At ang mga tinging 'yon ay hindi ko nagustuhan. Nanghuhusga. Nandidiri. Naiinis. "You're being a hoe because of me? Really, Luke? Ilalabas mo na yung kalandian mo--"

"Kailan pa ako naging ganyan?!" Tumawa ako sa kanya. "Alam nating dalawa kung sino ang gumagawa niyan. And if ever I really try to do that..." Ngumiti ako saka umupo sa kama. "Wala ka nang pakialam"

Nakita ko ang pagsama ng mukha niya dahil do'n. Bigla niyang tinanggal ang relong suot niya sa kaliwang kamay niya pati na ang bracelet niya sa kanan na ako ang mismong nagbigay sa kanya na ikinataka ko. Agad niya itong inilagay sa ibabaw ng kabinet sa gilid niya. Pero nang unti-unti niyang tanggalin ang pagkakabutones ng amber-orange niyang long sleeves, do'n na ako nataranta. Hindi siya mukhang nagbibiro. Seryoso ang mukha niya habang nakakunot pa ang mga noo at ang mga tingin niya. . . Pakiramdam ko nakaharap ako ng gutom na leon sa gitna ng gubat. Nasa dead-end ako kaya wala na akong takas. Umabante pa siya na mas lalo ko pang ikinataranta.

"Henry hindi na ako nakikipagbiruan..." sabi ko habang umaatras sa kanya.

Hindi siya sumagot sa'kin at pinagpatuloy lang ang paglapit sa'kin habang unti-unti pa ring tinatanggal ang butones.

"H-Hindi na ako natutuwa Henry."

Pero wala. Hindi na ulit siya sumagot sa'kin hanggang sa tuluyan niya na ngang maihubad ang damit niya. Tumambad sa'kin ang katawan niya kaya napalunok ako. Those abs. . . Pero mali 'to. Hindi ko gusto 'to. Lasing lang si Henry. Wala siya sa katinuan kaya ginagawa niya 'to. Hindi 'to tama.

Muli akong napalunok nang maramdaman ko ang pagtama ng ulo ko sa headboard at nang makita ko ang ngisi sa mukha ni Henry nang makalapit na siya nang tuluyan.

Napapikit ako nang lumapit siya lalo. Yawa. Nalalanghap ko na ang hininga niya.

"Hindi ba ito ang gusto mo, Luke?" Napaigtad ako nang kunin niya ang kamay ko saka niya inilagay sa tiyan niya. Alam kong do'n kahit nakapikit ako. Mahina niya pang ginabayan ang kamay ko pataas saka pababa na ikinalunok ko ulit ng laway ko. "Nando'n ka sa lugar na 'yon para rito hindi ba? You want someone to do that to you. Go fucking inside you." Tumawa siya. "Never thought that you'll become a bitch."

Dahil do'n ay iminulat ko ang mga mata ko saka siya itinulak papalayo. Napayuko ako habang nakakuyom ang mga kamao ko. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan pero wala na. Naramdaman ko agad ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko.

"N-Napakababaw..." Pinilit kong magsalita. Pinilit ko kahit alam kong baka pumiyok din naman ako. "G-Ganyan ba ang tingin mo s-sakin?" Alam kong alam niya na rin na umiiyak ako. Bukod do'n yumuyugyog din ang magkabilang balikat ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang hindi man lang inaangat ang tingin ko. Ayokong makita niya ang mukha ko.

"Shit! I'm sorry..." Napaigtad ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin. "Sorry Luke... Please... Stop crying."

Itinulak ko siya. "J-Just let me... H-Hayaan mo akong u-umalis na p-please lang."

"No! You're not going to leave." Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong balikat. Pero nanatili lang akong nakayuko. "Look at me. I want to see your face." Hindi ko siya pinansin. Nakakahiya na makita niya akong gan'to dahil sa kanya. At nakakainis na ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagtulo. "I'm sorry. I was... I was just mad!"

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon