Luke's POV
"HOW about you Miss Isha?"
Lahat kami napalingon kay Henry nang magsalita siya. Ayan na. Ayan na naman siya. Ang ngiti niya ngayon. . . Iba eh. 'Yan ang ngiti niya kapag may gusto na naman siyang landiin.
Ilang beses na bang nangyari 'to?
"Do you have a boyfriend already? Because if you don't have one... I'll apply."
Apply?
Trabaho ba 'yan?
Tangina.
Kung trabaho niya 'yan malamang sobrang yaman niya na ngayon.
Napabuntong hininga na lang ako.
Alam niya naman. Alam niya. Alam kong alam niya na. Pero bakit gano'n? Alam niya naman pero sa mismong harap ko pa. Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong tigilan na. Pero hindi. Hindi ko kaya. Mahirap. Masakit. Nakakasakal.
It was not a secret anymore. Hindi na. Pero umaakto pa rin siyang walang alam. Paulit-ulit niya pa rin akong sinasaktan.
And now? Bestfriend ko pa. Kaibigan ko pa. Bestfriend ko pa mismo yung pinuntirya niya. Sa harap ko pa mismo.
Pagod na ako Henry. Pagod na akong habulin ka. Pagod na akong mahalin ka. Nakakapagod na.
Alam mo ba? Yours and my first name... We don't use it often but you know what? May nalaman ako. Your name and mine... they are connected. Actually lahat naman tayong magkakaibigan.
Loxias Henry Perez
Daphne Luke SalvadorLoxias... It's one of Apollo's-- the god of the Sun-- other names. And mine... Daphne? Daphne is his first love.
But how ironic. We're named after them, but the thing is. . . instead of you running after me, I was the one who had been chasing you after all this time. Yet, you never look back. You never showed interest in me. Eros hitted us with wrong darts.
Ayoko naman sana e. Ayokong magkakilala kayo ni Isha. Bakit? Kasi her name. . . connected rin sa'yo. Pero wala eh. Nakatadhana na siguro. Siguro nga kayo talaga ang para sa isa't isa. Daphne and Apollo didn't end up together anyway. A tragic one. So maybe our story will become like them too.
I was taken a back when I saw Di staring at me. Nagtataka siya. Naaawa. It seems like he already found out. I just smiled at him. I need to act that I'm okay. I need to show them that I'm okay.
Pero. . . naiiyak pa rin ako. Bakit naman kasi napakaiyakin ko? Bakit naman kasi gan'to? Bakit naman kasi si Henry pa? Bakit naman kasi kaibigan ko pa?
Gusto ko nang umalis dito. I know, any minute, maaaring magbagsakan ang mga luha sa mata ko. At iyon ang ayaw kong mangyari. Pathetic. Iiyak na naman ako dahil sa kanya.
Nakahinga ako nang maluwag nang tumunog ang bell. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagpasalamat na tumunog iyon.
"So... See you later Ish. Punta na kami sa taas," sabi ko saka ngumiti nang pilit sa kanya.
Nagpaalam na rin sila sa'min at nagsimula nang maglakad papasok sa room nila. Nakita ko pa ang pagsulyap ni Samantha kay Aides at ang tinginan nina Isha at Henry na mas lalo pang nagpakirot sa puso ko. Tangina. Ang sakit. Sobra.
"Luke..." Naramdaman ko ang pagtapik ni Di sa balikat ko bago niya ako akbayan. "Let's talk later okay?" bulong niya sa tenga ko saka siya ngumiti.
Ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango. Maybe it's time. I don't want to hide it anymore. Ayoko nang magpretend. Ayoko na. Nakakasakal na. Nakakasuka na. I want to be myself. Gusto ko nang maging ako.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...