Luke's POV
AGAD kong kinuha ang cellphone ko mula sa kabinet sa ulunan ko nang maramdaman ko ang pagvibrate nito. Nahirapan pa akong imulat ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kagabi. Pero sana pala hindi ko na lang binuksan.
I love you Luke.
As a friend...
Please, don't be mad at me. Huwag mo naman akong iwasan.
I really love her. This time I'm serious.
Agad kong ibinalik ang cellphone ko at humiga habang nakatingin sa kisame. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko pero hinayaan ko na lang. Wala namang nakakakita. There's no need to hide it. Hindi ko na kailangan pang magsinungaling.
Nakita ko ang orasan. 5 am. Sobrang aga pa. Pero syempre kailangan kong itigil na ang pag-iyak dahil baka mapansin pa ng mga kaklase ko na maga ang mga mata ko.
Nang tuluyan na ngang lumabas ang araw ay nagsimula na akong kumilos. Kaso halata ring wala akong gana. Sa mabagal kong kilos. Sa matamlay kong ngiti na hindi man lang makaabot hanggang tenga. Ako ba talaga 'to?
Cheer up, Luke! Ilang beses ko nang sinabi ang mga salitang 'yon sa sarili ko pero wala pa rin. Hindi ko pa rin kayang ngumiti.
Napadaan ako sa isang flower shop kaya napatigil ako. Nagdadalawang isip pa ako. Pero sa huli agad akong pumasok sa loob at may binili.
Napabuntong hininga na lang ako saka pinilit ulit ngumiti. This time I'm serious too.
Alam ko ang code ni Henry sa locker niya kaya mabilis ko itong nabuksan. Iniwan ko do'n ang pulang rose, pink at pulang carnation.
"You're genius right?" Ngumiti ako. "Sana malaman mo ang gusto kong sabihin... Sana maging masaya ka na."
MALUNGKOT akong napangiti nang makita ko ang pagpost ni Isha ng mga picture nila ni Henry sa facebook. They look so good together. Bagay na bagay. Nakikita ko rin na pareho silang masaya at kontento sa isa't isa. Hindi ko na rin nakikita si Henry na nakikipaglandian sa iba. So maybe what he said was true. Siguro nga seryoso na talaga siya.
Agad akong sumandal sa headboard ng kama at naglive. Gusto kong makalimutan muna ang bagay na 'yon. I want to divert my attention into something I love.
"Hi guys!" agad na sabi ko. "It's been a while."
Nang malaman ko ang bagay na 'yon parang naramdaman ko na namatay na ako. Sobrang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko siya. So much that I could do anything for him. So much that I could sacrifice my life for him. It's just... Too bad that his life is made for someone not me.
I tried to be happy. Sinubukan kong maging normal. Sinubukan kong ipakita na ayos lang ako. Ngumiti ako. Tumawa ako. Pero ang mga mata ko. . . Masaya siguro ako sa paningin ng iba. Pero kapag wala ng tao at mag-isa na lang ako, mabigat sa pakiramdam.
Ako na hindi tinanggap ni Henry. Hindi niya pa minahal pabalik. At gan'to pa rin. Hindi pa rin ako pwedeng maging ako. Kasi kapag gano'n mawawala rin sa'kin ang pamilya ko.
Gano'n pala 'no. . .
Kahit hindi naman dapat naapektuhan pati ang mga bagay na ginagawa ko. . . Ni hindi ako makasayaw ulit. Nawawalan ako ng gana sa lahat.
But. . .
I realized something. I'm too young to be stressing about love.
Sa totoo lang nga ayoko na sanang pumayag sa suggestion nina Kai. Wala akong balak makakilala ulit ng sinuman. And as if someone would really love me. . . Pero hindi nila ako tinantanan. Kaya mamaya ay magbibihis na ako para tumahimik na sila. Mabuti na lang nga at may inaasikaso si dad sa Tagaytay kasama si mom kaya hindi ko na kailangang mag-explain pa.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...