WD 18: Losing Everything

793 39 38
                                    

Luke's POV

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, napabuntong-hininga ulit ako nang mapatingin ako sa katabi ko at makitang bakante ito.

One week na. One week ko na siyang hindi nakikita. Limang araw na rin siyang hindi pumapasok.

Why...

Huminga ako nang malalim saka tumayo na at sumunod kina Di na mukhang mahahampas na ako kung hindi pa ako kumilos.

Aalis na sana kami papuntang canteen nang biglang dumating si Isha nang nakangiti.

"Hi, Luke! I miss you!" sabi niya saka ako yinakap na agad ko namang sinalubong.

Ngayon lang ulit kami nagkausap. Almost a month na atang hindi, eh.

Nagkibit-balikat na lang ako.

Well, miss ko na rin naman si Ish so...

Bumitaw siya sa yakap ko saka ako nginitian. "Pwede ba kitang makausap? I have a good news!"

Ngumiti ako pabalik sa kanya saka tumingin kina Di. Agad naman nila akong tinanguan kaya sumama ako kay Isha na hinila ako papunta sa may rooftop. Hindi ko nga alam kung bakit dito niya ako dinala. Pwede naman kaming magkausap sa canteen. Pero sabagay, baka hindi pwedeng malaman ng iba.

"Luke..." Nakita ko ang pagyuko niya at paghinga nang malalim bago siya ngumiti at magsalita. "I'm... I'm engaged!"

Pakiramdam ko pwede nang pasukan ng ano-- ng langaw-- yung bibig ko dahil sa pagkagulat ko sa sinabi niya.

I mean, it's really unexpected.

"Really?!" Kumunot ang noo ko dahil doon. "But... You're too young."

"I know," nakangiti pa rin niyang sabi. "But actually, it's just an engagement muna, though Mom said we'll live together and then after we finished our college degrees abroad, that's it, we'll marry each other."

"Ahh... But uhm... do you love your fiancé?" nag-aalinlangan kong tanong.

"Of course! I mean, he's my boyfriend."

Sa sinabi niyang 'yon pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.

"B-Boyfriend?"

"Yeah. Si Henry!" excited niyang sagot. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya nang hindi ako magsalita ng ilang minuto. "Hindi pa ba niya sinabi sa'yo?"

Umiling ako. "H-Hindi." Pinilit kong hindi umiyak nang sabihin ko 'yon. Pakiramdam ko nga dudugo na ang labi ko dahil sa pagkagat ko rito para lang mapigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

"Y-you're... You're both leaving?"

Nakakahiya. Pumiyok pa ako nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. Pero wala na akong pakialam.

"Yeah. I think malapit na. We're transferring there, so I might not see you again in years, Luke." Hinawakan niya ang kamay ko saka ako nginitian. "I'll definitely miss you."

"Y-Yeah... I'll miss you too, Ish," sabi ko saka ngiti sa kanya. Hindi ko alam kung ilang ulit na ba akong nagpilit ng ngiti ngayong araw. "Congrats! I-I'm... I'm hoping the best for the both of you."

"Salamat, Luke!" Yinakap niya ulit ako nang mahigpit. "I promise if the wedding comes, I'll tell him to pick you as the best man."

"Y-Yeah," sabi ko saka pinunasan ang mga luhang namuo na sa mga mata ko.

After akong kausapin ni Isha hindi na muna ako pumasok at sa halip tumambay sa may clinic at doon nahiga habang hinahayaan ko ang mga luha na patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon