WD 19: I'm Fighting Too

948 48 56
                                    

Luke's POV

"W-What..."

"What do you mean, dad?"

"Come back to us, Luke."

Napatigil ako sa sinabi niya. Sinalubong ko ang mga mata ni dad at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko-- kitang kita ko ang pag-aalala roon.

"D-Dad..." Naramdaman kong nangilid ulit ang mga luha sa mga mata ko. "He's more impossible to reach now."

Lumapit siya sa'kin saka ako yinakap dahilan para tuluyan na ngang rumagasa ulit ang luha sa mga mata ko.

"Cry," sabi niya saka hinagod nang mahina ang likod ko. "The pain will fade away one day, but for now, cry."

"M-Masakit po-- sobrang... sobrang sakit..."

"Shh... That bastard doesn't deserve your tears." Bumitaw si dad sa yakap saka niya pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. "Hush... We're here..."

Yinakap ko muli si dad saka ako umiyak pa lalo. Sa pagkakataong iyon ibinuhos ko na ang lahat ng luha na mailalabas ng mga mata ko. Bukod sa sobrang sakit, naiiyak din ako na makita si dad na gan'to. Pakiramdam ko bumalik ako sa dati. Pakiramdam ko bumalik na si dad sa dati. Pakiramdam ko bumalik ulit kami sa dati.

He didn't even stopped me from crying...

He didn't told me that it's not proper for a guy to cry...

Instead he let me let it out.

Nang pakiramdam ko wala na akong mailalabas na luha, saka ko na pinunasan ang mukha ko at hinarap muli si dad.

"Come back to us, Luke. Start again..." Ngumiti siya. "I told you, right? That 'thing' won't do you any good. It will just let you become miserable and we don't want that. Makinig ka sa'kin-- sa dad mo. Start again and make everything right."

Napalayo ako sa kanya dahil doon. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Nakapagdesisyon na ako at ang mom mo na sa ibang bansa na lang tumira. Nagsisimula na rin akong ayusin ang mga kakailanganin mo para makalipat."

Napatigil ako dahil doon.

"Lilipat?"

Ngumiti siya sa'kin at tumango. "It's better for us to really start over. Leave everything here, Luke."

Sa mga sinabi niyang iyon bumalik ang lahat sa'kin. Yung mga panahong sobrang saya pa namin at maayos pa ang pakikitungo sa'kin ni dad dahil hindi niya pa alam kung ano ako. Pati na rin yung mga panahong sobrang saya pa namin ni Henry.

It's painful. Sobrang sakit na gusto kong umiyak nang magdamag. Pero kahit gan'to ayokong kalimutan ang lahat. Ayokong... Ayokong iwanan siya. Ayokong kalimutan si Henry.

Pero...

Pagod na rin akong umiyak. Pagod na akong umasa.

Huminga ako nang malalim saka sinalubong ang mga tingin ni dad. "Sige po." Nakita ko ang agad niyang pagngiti dahil sa sinabi ko. Pero nang dagdagan ko ito, mukhang hindi pa siya sang-ayon. Though wala na siyang nagawa kundi ngumiti na lang at tanggapin ang sinabi kong pupunta muna ako sa bahay na 'yon para sa huling pagkakataon.

Kaya pagkatapos kong madischarge sa hospital, nagpaalam ako sa kanila para mapag-isa muna sa bahay na ilang taon ko ring tinago. Nakita ko pa ang hindi pagsang-ayon sana ni kuya Damon nang bigla na siyang hilain ni kuya Drake papasok sa kotse.

Hay...

Napabuntong-hininga ako nang mawala na sa paningin ko ang kotseng sinasakyan ng pamilya ko at nang makita ko ulit ang bahay na pinag-ipunan ko mula sa gate.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon