Henry's POV
"Your dad and mine...
Just like us...
They become lovers too."
I saw how shocked Luke was. Maging ako man. Nung nalaman ko mismo kay mom ang lahat... Nung finally nalaman ko na kung bakit-- bakit hindi nila ako magawang mahalin ni dad. Kung bakit parang pagkakamali lang talaga ako. At kung bakit parang mag-isa lang ako kahit na ang laki laki ng bahay namin.
That was when I almost lost my will to live.
(FLASHBACK)
I clenched my fist and tried to calm myself down as soon as I saw mom browsing her books in their room.
Pero... kahit gaano ko pa gusto kumalma hindi ko makaya.
I just found out that I am engaged to Isha. Kung hindi ko pa komprontahin si Isha kanina hindi ko pa malalaman. Muntik ko pang masaktan siya nang malaman ko ang pagkahimatay ni Luke nang malaman niya.
Naiinis na ako sa babaeng 'yon. Naiinis ako na tinuturing pa rin siyang kaibigan ni Luke at naiinis ako na wala akong magawa para mapaalis ang babaeng 'yon.
Napapagod na ako sa kaartehan niya. Napapagod na ako sa ka-toxic-an niya.
Napapagod na ako sa kakakontrol ni mom ng buhay ko.
As I look at her, she looks so happy. Napakasaya niya at kalmado habang gumuguho na ang mundo ng anak niya.
"What the hell, Henry! Muntik na akong atakihin sa'yong bata ka."
Natigil ako sa pag-iisip nang mapansin niya ako. And as usual, instead of a mother smiling as soon as she sees her son, agad siyang bumusangot nung makita ako.
"You didn't even knock. Where is your manner? 'Yan na ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mo lalo na sa baklang 'yon?"
"Stop insulting him, mom. Stop insulting my friends." sabi ko sa kaniya nang mahinahon saka ngumiti. "Sila po yung nandiyan lagi para sa'kin. Luke was there when I needed you both as my parents."
"Aba!"
Nakita ko ang panggagalaiti ni mom habang inilalagay niya ang mga libro sa bookshelf niya.
"Sinusumbatan mo ba ako bilang nanay mo? Kinikwestiyon mo ba ang pagiging nanay ko?"
"Pero hindi po kayo naging nanay sa'kin." agad kong sagot sa kaniya habang pinipigilan na tumulo ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. "Kahit minsan... Kahit minsan hindi ko naramdaman na may pamilya ako. Kahit minsan hindi ko naramdaman na may mom at dad ako. Kahit minsan hindi ko naramdaman na mahal niyo ako."
I wanna laugh at myself. Nagpapaka-sad boy ako ngayong araw. Pero punong puno na ako. I wanna know. I want to finally open my mouth and hear them. I want to understand them. I want them to understand me.
"How could I love you?" Nagulat ako nang makita kong may tumutulo ng luha sa mga mata niya. "You were just born out of my desire to get your dad."
Nang sabihin niya ang mga salitang iyon habang nakatitig sa'kin nang taintim, parang gumuho ang mundo ko. Those words were like a bomb that exploded right after my face. Parang binugbog ako ng ilang katao sa sakit.
"He didn't love me..." dugtong niya. "After all those years... 18 years and he still doesn't feel the same way. 18 years and he's still inlove with Luke's dad."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang mga huling sinabi ni mom. Hindi ako makapaniwala. Kung hindi lang ganito kaseryoso ang mukha niya... Kung hindi lang umiiyak si mom... aakalain ko na pina-prank niya lang ako. Pero hindi... nakikita ko ang sakit sa mga mata niya habang parang inaalala niya ang mga nangyari noon.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...