WD 11: Winner

626 26 0
                                    

Luke's POV

"LUKE, ba't ang aga mong napatawag?" bungad sa'kin ni Sei nang tawagan ko siya. Halatang bagong gising pa lang siya dahil sa namamalat niyang boses.

Sabagay.

Napakaaga pa talaga. 5 am pa lang pero heto ako at kinukulit na siya. Pero wala na akong choice. Ilang oras na lang ang natitira at hindi pa ako handa sa final battle.

Nakapagdesisyon na ako. Wala na rin naman akong kinatatakutan ngayon dahil alam na ng lahat.

Mabilis kumalat ang balita dahil sa paglive ko kagabi. Laman ng newsfeed ko kaya agad din akong nag-log-out. Alam kong galit na galit si dad dahil do'n. Alam kong sobrang galit siya dahil sa ginawa ko. Pinahiya ko lang naman siya sa buong Makati. Pinahiya ko lang naman ang buong pamilya namin sa buong mundo.

Huminga ako nang malalim saka tumingin sa sarili kong bagong ligo pa lang.

"You're going to become happy now."

"WELL then let's welcome our contestants for the DANCE BATTLE 2020!"

Nang marinig namin 'yon ni Ish, bumitaw na kami saka ngumiti sa isa't-isa.

Sumenyas ang isang staff sa'min. Nang mamatay ang ilaw, do'n na kami isa-isang pumasok. Sa pagbukas ulit ng ilaw, tilian at sigawan ang nangibabaw sa loob ng auditorium.

Alam kong nanonood siya. Alam kong nakatingin siya sa stage. Pero alam ko namang ang mga mata niya ay nakapako sa katabi ko.

"I want a little fire, now give me the light

I want a little fire, now give me the light

I want a little fire, now give me the light

Now give me the light, now give me the light

Pare-pareho kami ng pambaba. Magkakaiba lang sa pantaas. Itim na hoodie sa'kin samantalang si Ish naman ay nakasuot ng crop top.

Bun up the dance, bu-bun up the dance
Bun up the dance, bu-bun up the dance
1, 2, 3, bu-bu-bun up the
Bun up the
Bun up the
Bun up the"

Actually, I don't want to do this. But, of course because this is part of the dance so I also twerked.

Nang matapos ang kanta, tumalikod kaming lahat. Magkatabi na ulit kami ngayon ni Ish. We're going to dance by partners.

I'm bringin' sexy back (yeah)
Them other boys don't know how to act (yeah)
I think it's special, what's behind your back (yeah)
So turn around and I'll pick up the slack (yeah)

I don't know if I'm sexy. Malakas lang ang loob ko na sabihin na kyut ako. Pero hindi ko lang alam kung may panama ang kasexyhan ko sa katabi ko.

Hindi ko pa rin magawang tumingin kay Henry. Agad kong iniwas agad ang tingin ko saka ibinaling ito kina Di.

Come here, girl (go 'head, be gone with it)
Come to the back (go 'head, be gone with it)
VIP (go 'head, be gone with it)
Drinks on me (go 'head, be gone with it)
You see what you're twerking with (go 'head, be gone with it)

Napakunot ang noo ko nang may lumapit sa kanilang lalaking hindi ko-- wait! Ayon yung lalaki sa bar! Kinakausap nila 'yon.

Napalunok ako nang mapatingin ito sa'kin saka parang may sinabi siya.

Get your sexy on (go 'head, be gone with it)
Get your sexy on (go 'head, be gone with it)
Get your sexy on (go 'head, be gone with it)

Nang matapos ang pagsayaw namin, agad kaming bumalik sa backstage para umpisahan na ang contest. Sobrang kinabahan ako no'n. Mahirap din yung mga pinasayaw sa'min. May isang challenge pa na kailangan naming gumawa ng steps just by hearing the music. Buti na lang nakayanan ko naman. Kaya nakasali ako sa isa sa nga maglalaban para sa final. Pero hindi ko rin naiwasang kabahan kanina. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. At...  Hindi ako makapaniwala na talagang kami nga ang maglalaban ni Isha para sa final.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon