WD 14: You'll Regret This

981 44 17
                                    

Luke's POV

"LUKE, sweetheart, pakidala nga nito sa library."

Ngumiti ako kay Ma'am Jane saka kinuha ang apat na librong magkakapatong.

Hay. Iba talaga kapag huwarang estudyante. Tapos. . . ang cute talaga ni Ma'am. Bukod sa mabait na mabait siya sa'min ang ganda niya pa. Bata pa si Ma'am. 23 years old. She's a good teacher. Actually siya na ata pinakapaborito ko dito. Alam mo 'yon may pakialam talaga siya sa mga estudyante niya. I remember back then when I was really frustrated because of a family problem. Napansin ni Ma'am ang pananahimik ko kaya agad niya akong kinausap.

Napangiti na lang ako. Hay.

Dahil sa ang aga ko, ako pa lang ang nandito sa room. Pero sa tingin ko magsisidatingan na rin naman yung iba mamaya.

Malapit lang naman yung library. Kabilang building lang naman. Kaya dinadahan-dahan ko lang ang paglalakad ko kasi gusto kong sayangin ang oras. Wala pa yung dalawang magjowa. Si Kai rin wala pa. Tapos si. . .

Napabuntong hininga na lang ako.

Tatlong araw na rin ang nakalipas.

"Oh, hi Luke!"

Agad kong nginitian ang kaklase kong si Shiela. Tama nga ako. Nakasalubong ko agad ang dalawang kaklase ko na palaging ang aga pumasok. Kasama niya ang kaibigan niyang si Reina na ngumiti rin sa'kin.

"Aga niyo guys, ah? Himala," nang-aasar na sabi ko.

"Wow ha, sa'yo pa talaga galing 'yan na ikaw yung palaging late," sagot ni Reina saka tumawa kasama ang kaibigan niya.

Ngumiti na lang ako sa kanila saka ako naglakad muli. Nang makababa, nakasalubong ko rin ang ilan pa sa nga kaklase ko. Natakot din ako na makasalubong ko siya kaya dinalian ko na ang paglalakad ko. Pero sana pala hindi na lang. Dahil sa halip na yung librarian ang nakita ko at ang ilang estudyante, yung taong iniiwasan ko pang makita ang bumungad sa'kin. Malakas na tunog ng pagbagsak ng mga dala-dala kong libro ang nangibabaw sa buong library.

Napaawang ang labi ko. Hindi. Hindi naman gan'to si Isha. Hindi siya yung tipong makikipaghalikan nang gan'to habang halos wala ng saplot sa itaas. Hindi siya gan'tong klase ng babae. Hindi niya gagawin 'to.

Pero. . .

Napaatras ako nang mapatingin silang dalawa sa'kin dahil sa ingay na ginawa ko.

"L-Luke," hindi makapaniwalang sambit ni Isha.

"What are you doing here?" Nakagat ko ang ibabang labi ko nang magsalita si Henry habang tinatakpan niya ang katawang nakabalandra ni Isha gamit ang uniform niya.

Halos maalis na rin ang suot na uniform ni Henry. Ilang butones na lang at tanggal na ito. Samantalang bra na lang ang natitirang pantaas ni Isha.

"S-Sorry sa istorbo." Yumuko ako para damputin ang mga librong nahulog ko kanina. "Pinahahatid lang ni Ma'am Jane." Ngumiti ako nang pilit saka inilagay ang libro sa desk ng librarian saka ako nagsulat ng note do'n.

Habang ginagawa ko 'yon nararamdaman ko ang paggalaw nila. Malamang nagbibihis na. Hindi ako makatingin. Hindi ko magawa. Paniguradong kapag ginawa ko 'yon tuluyan na ngang magbabagsakan ang mga luha mula sa mata ko.

Napalunok ako saka ako ngumiti ulit nang pilit sa kanila. "M-Mauuna na ako."

Narinig ko ang pagtawag nila pero hindi ko na lang pinansin saka ako dali-daling lumabas.

Shit naman. Tangina lang.

Gusto ko siyang sumbatan ngayon.

Palagi niyang ginugulo ang isip at puso ko. Palagi niyang ginugulo ang buong sistema ko. Papaiyakin. Papakiligin. Papaasahin. Gano'n na lang palagi. Gano'n lang ang nangyayari.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon