Luke's POV
"You didn't come."
Kinagat ko ang labi ko saka ako pilit na ngumiti sa kanya. "Sorry."
"You don't need to be sorry. I expected this. Alam ko na balang araw mangyayari 'to." Inalis niya ang hoodie niya saka huminto sa mismong tapat ko. "You really don't want to support me anymore?"
Napakapit akong mabuti sa strap ng bag ko saka yumuko. "N-No. Hindi gano'n."
"Tomorrow is the pageant. If you won't come again, I won't go." Dahil do'n napaangat ako ng tingin at sinalubong ang mga tingin niya. "It's useless."
"Gago ka ba?" Huminga ako nang malalim. "Sana sinabi mo na 'yan umpisa pa lang. Alam mong mahalaga 'to sa section natin." Napatigil ako nang makita ko na naman ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko alam. . . Bakit gan'to? "Saka. . . Pupunta ako bukas."
"Should I believe that? Or you're going to let me wait again like I did a while ago?"
Napakunot ang noo ko. "Bakit ba kung makapagsalita ka ganyan? Ngayon lang naman 'to, Henry. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako hindi nakarating sa importanteng ganap ng buhay mo."
"KAYA NGA NAKAKAINIS!"
Napaigtad ako nang bigla siyang sumigaw. Nagulat ako, pero maging siya man. Nakita ko na lang na pinilit niyang kumalma at huminga nang malalim bago magsalita ulit. "You can't really make an omelet without breaking some eggs."
Napatigil ako dahil do'n. "Huh? Sabog ka ba? Malamang kailangan 'yon. Ano kusang lalabas na lang yung nasa loob ng shell?"
Gago talaga 'to si Henry. Hindi ko alam kung nakainom o ano. Akala ko kung ano na dahil seryoso siya tapos pag-usapan ba naman yung itlog.
"This small idiot." Napalunok ako nang mapahawak siya sa sintido at nang tumalim ang mga tingin niya sa'kin. "This is the cost..." Huminga siya nang malalim. "But I'll make sure I'll succeed on getting it back."
Umiling na lang ako sa kanya. "Sumasakit ang ulo ko sa'yo. Bahala ka na nga. Basta manonood ako bukas."
Nakita ko ang pagngiti niya dahil do'n. "I'll wait. I can see it in your eyes, you're not lying."
Umiwas ako ng tingin sa kanya saka ako tumalikod na. "Bahala ka na." Pero nang nasa gate na ako, huminto ako at kinagat ang labi. "Congrats for winning a while ago. I promise, manonood ako bukas," sabi ko saka ako nagsimulang maglakad papalayo.
"I guess I'll just be happy because you're feeling better now." Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya 'yon. "I'm happy that you're finally going to be happy. I'm happy that you're starting to go in a different path."
Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag. "Yeah." Huminga ako nang malalim saka lumingon ulit sa kanya. "Let's walk in a different path now," sabi ko saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo.
"HERE."
Ngumiti ako kay Eros nang iabot niya sa'kin ang isang ice cream na nabili niya. Pati favorite flavor ko, alam niya kaya nakakatuwa lang.
"I never asked this but we're friends now right?"
Ngumiti ako sa kanya. "Of course."
"Pero kaunti pa lang ang alam ko sa'yo," sinabi niya 'yon habang nakapout na ikinagulat ko.
Ang cute niya.
"Ako rin naman." Ngumiti ako sa kanya. "Gan'to na lang, magtanong ka tapos ako naman. Palitan lang gano'n."
Nakita ko agad ang malawak na ngiti niya. "Sige!" Nakita kong mukhang nag-iisip siya nang malalim kaya agad na tumulo ang ice cream sa sahig na ikinaigtad niya. Ang cute niya talaga yawa. Agad niya 'yong dinilaan na ikinaiwas ko ng tingin. Shit naman. Dahil sa puro kaanuhan sinasabi sa'kin ni Kai these past few days kahit ano na tuloy naiiisip ko. "Hmm, alam ko na favorite color mo. Favorite anime. Favorite song. Favorite group. Favorite food. Favorite movie."
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...