Luke's POV
"Luke. . ."
Naalimpungatan ako nang may marinig akong pamilyar na boses. Nang imulat ko ang mata ko, agad kong namataan kung anong oras na sa may relo na nasa taas katapat ko.
2:30 am na. Madaling araw pa lang.
"Luke."
"MAGTITINO NA PO AKO!" mabilis kong sabi nang nakapikit.
Halos malaglag na ang puso ko dahil do'n, pero nang marinig ko ang mahinang tawa at nang mapatingin ako kung saan 'yon nagmula, agad sumama ang mukha ko.
"ANONG GINAGAWA MO RITO?!"
Shit.
Oo nasanay na ako kay Henry. Pero bwisit! Bukod sa hindi ko pa siya napapatawad, nakakagulat kasi ang ginagawa niya. Palagi na lang siyang sumusulpot sa kwarto ko. Halos atakihin na ako sa ginagawa niya.
Prente siyang nakaupo sa sofa sa may kanan ko. Plain black t-shirt ang suot niya at itim na ripped jeans. Pakiramdam ko nga ay galing lang siya sa bar dahil sa lakas ng amoy ng alak na nanggagaling mula sa kanya. Hindi ko rin gusto ang nga titig niya. Ayan na naman kasi siya. Ganyan yung pafall niyang tingin. At ayoko niyan. Nakakalunod. Nakakabaliw.
"You're not answering my calls, chats and messages. Nagsisimula na akong mainis."
Napatawa ako dahil do'n. "Wow ha. Ikaw pa talaga yung naiinis sa'tin?"
Nakita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya kaya napalunok din ako.
"Luke, ito na naman tayo. Bakit ka ba galit na galit? Tinulungan ko na nga yung kaibigan natin."
Tinulungan?!
Tumaas ang kilay ko dahil do'n. "Matalino ka Henry. Alam mo ang pagkakaiba ng pagtulong sa pagkunsinti."
Nakita ko ang pagsapo niya sa noo niya. Para bang siya pa ang namomroblema sa'ming dalawa.
Nakakainis.
"Then what do you expect me to do? See one of our friend die because of our other friend?" Pagak siyang ngumiti sa'kin. "Alam mo kung sino ang mas nasaktan sa kanila. Alam mo kung ga'no nasaktan si Aides."
"Of course." Ngumiti ako sa kanya. "Alam na alam ko 'yon. Alam ko yung pakiramdam. Pero sa paraang 'yon talaga?! Gago ka ba?!"
"May naiiisip ka pa bang ibang paraan?"
"Pwede ba Henry. Nandidilim paningin ko sa'yo kaya umalis ka na."
"You think I'm not?"
Napaigtad ako nang bigla siyang tumayo at unti-unting lumapit sa'kin. Seryoso rin ang mukha niya at nagtatagpo sa gitna ang mga kilay niya kaya nakaramdam ako ng takot.
"A-Anong gagawin mo... Gago ka Henry! Lasing ka!"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ihubad ang damit niya dahilan para makita kong mabuti ang tinatago no'n kanina. Napalunok ako. I'm torn between saying he should get dressed or saying he should take off more-- BWISIT KA LUKE! KAKERENGKENGAN MO NA NAMAN!
Mabilis na ang pagtibok ng puso ko. Pero mas lalo pa itong bumilis nang ngumisi siya at nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin.
"Look how affected you are..." Napapikit ako nang maramdaman ko ang bibig niya sa may tenga ko. Mahina pa siyang tumawa na halos ikamatay ko na. "Siguro gan'to rin nagawa ni Di nung gabing 'yon dahil kay Aides. Siguro nawala na rin siya sa tamang pag-iisip nang maghubad si Aides sa hara--"
"Tangina mo!" sabi ko saka siya itinulak.
Tiningnan ko siya nang masama. Gago siya. How could. . .
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...