Luke's POV
"HOY!"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang magsalita si Di. Nakalingon silang lahat sa'kin.
"Alam mo kanina ka pa talaga ganyan. Ano ba kasing nangyari nung gabing 'yon, Luke?" tanong ni Kai sa'kin na ngayon ay may makahulugang tingin na.
Nag-iwas ako ng tingin saka nagbukas ulit ng isang yakult. "Naalala ko lang yung utang ko sa kaklase natin. Pa'no ko kaya mababayaran-- aray!"
Napahawak ako sa ulo ko nang hampasin ako ni Sei ng banner ng grade 11. "Ang yaman yaman mo tapos walang pambayad? Eh kung ihampas ko na sa'yo lahat ng banner dito?"
Inilabas ko ang alas ko. Nagpuppy eyes ako sa kanya. "Hindi ka ba naaawa, Sei? Ang cute cute ko tapos gaganyanin mo lang ako?"
Nakita ko ang pagsapo niya sa noo niya. "Ilayo niyo sa'kin si Luke bago pa mandilim paningin ko."
Agad akong kumapit kay Di na katabi ko lang nang samaan ako ng tingin ni Sei.
"Pero seryoso Luke, kanina ka pa talaga tulala. Tinatanong ka namin kanina kung sasama ka mamaya," sabi ni Kai saka siya humalumbaba sa mesa.
Napakunot ang noo ko dahil do'n. "Ha? May kainan ba?"
Napa-aray ulit ako nang maramdaman ko ang paghampas sa'kin ng banner. Pero ngayon si Kai na mismo ang gumawa no'n.
"Gagi. Laro na kaya ng asawa mo mamaya," nakangising sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin dahil do'n saka muling uminom ng yakult.
Hindi ko alam kung kaya ko na bang makita si Henry ulit. I was avoiding him for days. Kahit sa group chat ay hindi ko rin magawang magchat. Ayoko. Not until the feeling is gone.
"Oh shoot. Mukhang nag-umpisa na ata," sabi ni Di kaya dali-dali silang tumayo mula sa bench na kinakaupuan namin.
Napahinga ako nang malalim saka mabagal na kumilos sunod sa kanila.
You need to act normal. Kaya mo 'yan! Fighting!
AS usual. Ang gwapo niya pa rin. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa itim na jersey niya. Napalunok pa ako nang makita ko siya. Pero agad ko ring iniwas ang tingin ko at ibang player na lang ang tiningnan. Bukod do'n nasa likod ko rin si Isha at nakatingin sa boyfriend niya.
"Yawa. Sana all, may Aides, Di. Sana all hinihintay at hinahanap," sabi ni Kai na katabi ko lang kaya napatingin ako ulit kina Aides.
Ang swerte talaga ni Di. Mabuti pa sila ni Aides nagiging maayos na. Mabuti pa sila masaya na.
Napaigtad ako nang biglang magkasalubong ang tingin namin ni Henry nang parang mag-usap sila ni Aides. Agad akong nag-iwas ng tingin.
No.
Hindi ko talaga kaya.
"A-Ah g-guys..." Napalunok ako saka sila tiningnan. "K-Kain muna ako. Nakakagutom kasi eh," sabi ko saka ako ngumiti at kinamot ang batok ko.
Tatayo na sana ako para makaalis nang biglang magsalita si Sei. "Here." Nakangiti siya habang hawak hawak ang box na may lamang cookies. "Nagugutom ka 'diba? Nate made them. May drinks pa, oh." Tumaas ang kilay nito. "Kanina ka pa eh. Ano ba talaga ang problema mo at parang iniiwasan mong pumunta rito? Or should I say... what happened that night?"
Nag-iwas ako ng tingin dahil do'n. Nang makabawi, tiningnan ko ulit sila saka ako ngumiti. "Gago. Hindi ba pwedeng nagugutom lang?"
Nakita ko ang pagbuka ng bibig ni Di. Mukhang may itatanong na sana siya nang pumito ang referee na ikinatuwa ko. Ayaw ko pang sabihin sa kanila. Hindi muna.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...