Luke's POV
Napalinga-linga ako nang lumabas ako sa room. Nasa'n na ba si Di? Umalis siya kanina at hindi pa bumabalik. Pumunta na nga si sir kanina sa room at buti na lang hindi nagturo-- nag-iwan nga lang ng activity.
Si sir talaga.
Kaya hinahanap ko siya ngayon para sana magpatulong sa kanya. Magpapatulong nga sana ako kay Sei kaso huwag na lang. Masakit kasi sa eyes na makitang maglandian sila ni Nate. At si Kai naman? Sa halip na sumagot agad nakita kong may pinapanood siya sa cellphone niya. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita na grabe yung binabasa niya. May saging akong nakita-- umiilaw. Gaga talaga 'tong babaeng 'to. Pero nasa gilid naman siya kaya hindi masyadong kita. Bukod do'n nakaharang din ang buhok niya. Dinukdok ko pa nga mukha ko para makita ko lang.
Napabuntong hininga na lang ako nang nasa third floor na ako at makitang wala siya.
General Math ang subject at napaatras agad ako nung nakita ko yung papasagutan sa'min. Oo na bhie. Bobo talaga ako sa math. Kahinaan din 'to ni Di, pero sabi nga, two heads is better than one. Ano kayang head? Hehe.
Ayoko naman na magpatulong kay Henry. Nabibwisit pa rin ako sa kanya.
Ang sarap niyang sakalin.
Sana kasi iba na lang yung nagustuhan ko. Sana hindi na lang siya.
Maging kay Aides ay gano'n din. Ayoko. Hindi ko pa ata kayang pansinin siya.
Gan'to yung mahirap kapag kaaway mo yung kaibigan mong matalino eh. Kawawa ka lalo na kapag wala kang masagot. Kaya tamang aral na mga bhie. Huwag na umasa sa iba.
Nang makalabas sa music room, napabuntong hininga na lang ako. Wala siya rito. Nasa'n na ba yung pandak na 'yon? Napahagikhik ako nang maisip ko 'yon. Kaso naisip ko na mas matangkad pa pala siya sa'kin ng ilang centimeter kaya napasimangot ako.
Nang nasa baba na ako at nang may makita akong estudyanteng nakatalikod at mukhang kakatapos lang magpractice sa soccer, agad ko siyang kinalabit. Napaigtad pa ako nang humarap ito at makita ko kung sino siya.
"Oh, Luke! Hi!" sabi niya saka ngiti sa'kin.
Lord naman.
Halos tumulo na ata yung laway ko nang makita ang pawis na tumutulo mula sa mukha niya. Petengene. Bakit kapag gan'to ako nagmumukha akong gusgusin at dugyot? Pero kapag si Hoshi na. . . ang hot tingnan.
Kilala ko si Hoshi dahil kasama siya sa dance club na kabilang ako, si Seishin, at si Kailah na kaklase rin namin.
Mabait siya. Gwapo. Matangkad. Matalino. Masa-- char.
Mahabaging emre. Teka. . . Nasa encantadia ka bhie?
Alam ko half-Japanese siya tulad ni Sei. Ang cute niya nga. Alam mo 'yon naghahalo ang kakyutan at ang hotness sa kanya. Nawawala rin ang mata niya kapag ngumingiti siya kaya halos malaglag na ang pan-- brief ko.
"Luke?"
Napaigtad ako nang magsalita siya.
Yawa.
Sa sobrang kalandian ko hindi ko na namalayan na tulala na pala ako. Baka akalain pa nito pinagnanasaan ko siya-- na totoo-- no!
Hindi po ako gano'n, Lord.
Napakamot ako sa ulo ko. "Uhm. . . Nakita mo ba si Di?"
Ngumiti siya sa'kin. "I actually saw them. I think papunta sila sa clinic. Nag--"
Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humila sa'kin papalayo at nang makitang si Henry 'yon. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya pero sadyang mas malakas siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...