Luke's POV
"GUYS!" agad kong sambit nang makita ko kina Di.
Lalapitan ko na sana sila nang may lumapit sa'kin at sinabing magpapicture lang. Napakamot na lang ako sa ulo saka ngumiti. Kanina pa eh. Hays. Iba talaga ang kakyutan ko.
Nang matapos, agad akong ngumiti saka dali-daling pumunta patungo kina Di. "Guuuuys!"
Agad naman silang napatingin sa'kin saka ngumiti rin. Naramdaman ko ang mga yakap at hampas nila sa'kin. Grabe yung hampas. Ramdam ko yung pagmamahal lalo na ni Di.
Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. "Hindi ako makapaniwala."
Sobra. Hindi pa rin magsink-in sa utak ko na ako nga talaga ang nanalo.
"You deserve it, Luke."
Agad akong napangiti kay Sei dahil do'n.
"Congrats, Luke," sabi ni Aides mula sa likod ni Di.
"Congrats," sabi naman ni Nate.
"Salamat," sabi ko saka ngiti ulit nang malawak.
"Hi."
Napaigtad ako nang biglang magsalita yung lalaking hindi pamilyar sa'kin. Pakiramdam ko magkasingtangkad lang sila ni Henry. Pero in fairness. . . ang gwapo niya talaga.
"Uh... hello?"
Wait. . .
Tama ba 'tong nakikita ko? Ayokong mag-assume pero parang namumula siya at nahihiya. Hindi rin siya makatingin sa'kin. It's cute.
"I'm a fan," sabi niya sabay pakawala ng ngiti at saka tumingin sa'kin sa mata. "And I really love your cosplays and videos."
Dahil do'n ay halos lumuwa na ang mga mata ko. Pakiramdam ko nga kumikislap na 'to. Agad akong ngumiti sa kanya. "Hala, salamat po! Pero, ano-- hindi ko kayo kilala."
Syempre. Gusto ko pa rin namang malaman ang pangalan niya. Don't talk to strangers nga 'diba? Pero char, kakilala naman ata siya ni ano. Okay, ni Henry.
Namangha ako nang marinig ko ang pagtawa niya at paghawak niya sa balikat niya. "Oh, sorry. I'm Eros Angelo Ramirez, a 2nd-year engineering student from Dela Paz University." Ngumiti siya. "I'm actually Di's cousin," sabi niya saka tingin kay Di.
Ha?
Bakit hindi ko alam 'to?!
I mean, almost every part ng pamilya ni Di kilala ko na. And. . . I never know about him. Dahil do'n ay napatingin ako kay Di na agad namang ngumiti sa'kin at tumango.
"Uh... do you mind? Can I take you somewhere else?"
Muntik ko nang kunin ang boots na suot ko at maihampas 'yon sa kanya nang sabihin niya 'yon. Nakaramdam din ako ng inis. Baka kasi isa siya sa mga nagcocomment ng kalaswaan sa mga picture at videos ko.
And hello? Mukha ba akong malandi sa suot ko?
"Oh, baka iba isipin mo," natatawang sabi niya. "Not that, I just want to hang out and... talk."
Dahil do'n ay napahinga ako nang maluwag. "Yawa ka. Buti na lang natapos mo." Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang bang isama natin sila?"
"It's okay with me." Ngumiti siya. "But I don't think that'll happen, some of your friends left already."
Dahil do'n ay agad akong napatingin kina Di. Napakunot ang noo ko nang makitang papalayo na kina Sei at Nate. Mukhang oo nga. Pakiramdam ko may kan'ya-kan'ya kaming lakad ngayon.
Ngumiti ako. "Sige na ng--"
"No."
Agad akong napatingin sa nagsalita at humawak sa kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n saka pilit inalis ang kamay niya. Pero sobrang higpit na nang pagkakakapit niya na halos nasasaktan na ako.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...