Luke's POV
"And when I was younger
I knew a boy and a boy
Best friends with each other
But always wished they were more"Sana all."
Napabuntong hininga na lang ako nang mapanood ko ang lyrics ng "The Story" ni Conan Gray. Nanonood ako sa YouTube. Kakakilala ko pa lang sa kanya dahil sa kanta niyang "Heather". And of course I'm really screaming inside! I love him! Sa tingin ko nga ay nalove at first sight na ako agad.
'Cause they loved one other
But never discovered
'Cause they were too afraid
Of what they'd say
Moved to different states"Sana all talaga."
Napabuntong hininga ako nang sumagi sa isipan ko ang mukha niya at ang pangalan niya.
Pero hindi naman pareho ng sitwasyon. Sa kanta ni Conan, parehong may gusto sila sa isa't-isa. Samantalang kami. . .
Oh, and I'm afraid that's just the way the world works
It ain't funny, it ain't pretty, it ain't sweetKailanman, hindi maganda ang gano'n. It is never accepted by society and it's really unfair for me.
Nakakatawa nga. Sabi nila maging totoo ka raw sa sarili mo. Be yourself pa nga. Pero. . . bakit gano'n? Bakit kahit sundin mo man 'yon huhusgahan ka pa rin nila? Bakit kahit yung totoong ikaw na yung pinapakita mo, galit pa rin sila?
Kaya nga nakakatakot. I think it's better to be like this. Sa ganitong paraan, hindi mawawala sa'kin ang lahat. Kahit hindi ako masaya basta nandiyan pa rin sila-- basta nandiyan pa rin siya.
Pero kahit gano'n. . . masaya naman ako. Nakakasakal nga lang. Kailangan kong magpanggap. I need to be someone else just to feel that I'm accepted-- that I'm being loved.
Oh, and I'm afraid that's just the way the world works
But I think that it could work for you--"Hey!"
"AY YAWA PISTE ANIMAL KA!"
Sinamaan ko ng tingin ang biglang sumulpot sa loob ng kwarto ko na ngayon ay grabe na kung makatawa. Halos maiyak na nga siya habang nakaupo sa kama ko.
"Bwisit ka talaga Henry!"
Kinuha ko ang mga manga na nakapatong sa study table ko. Ihahampas ko na sana 'yon sa kanya kaso naisip ko na huwag na lang. Ang mahal kaya tapos iniingat-ingatan ko pa. Mas mahal pa 'to kaysa sa buhay niya. Pero char, syempre kung papipiliin siya na agad. Kahit pa favorite manga ko 'yan.
Lumapit na lang ako sa kanya para sana batukan siya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya ako pahiga sa kama.
Napalunok ako nang tumingin siya sa mga mata ko. Bwisit! Ang gwapo talaga ni Henry! Bagay talaga sa kanya ang first name niya. Yawa. Mala-greek god kasi ang kagwapuhan eh. His low fade hairstyle. Ang makalaglag panty-- kahit brief naman ang suot ko-- niyang mga mata na akala mo nilulunod ka na dahil sa pagtitig niya. Ang ilong niyang sobrang tangos na dahilan kung bakit palagi akong napapa-sana all sa kanya. At ang pinakapaborito ko sa parte ng mukha niya-- ang labi niya. Manipis. Mapula. Masarap halikan.
Hihi.
And of course, his smile. . . the reason why I'm screaming inside.
He's my sunshine-- my sun. But. . .
I'm not his moon. Ayon lang.
"Luke."
"Hmm?"
Nakakakaba. Ang seryoso kasi ng titig niya. Sobrang bilis na rin ng pagtibok ng puso ko dahil sa pares ng matang nakatitig sa'kin.
"Can you go with me tomorrow..." Ngumiti siya. "... on a date?"
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...