WD 16: Broken Connection

631 30 2
                                    

Luke's POV

IPINIKIT ko ang mata ko nang sa ikalawang pagkakataon maalala ko na naman ang nangyari kagabi. Kahit anong gawin ko hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako. At hanggang ngayon blanko pa rin ang pink na sticky notes na nasa ibabaw ng desk ko. Nakakaiyak lang. Kailangan na naman naming gumawa ng tula pero kahit isang salita wala pa rin akong maisulat. Pinagsisisihan ko na talaga ang desisyong kunin ang strand na 'to. Shit lang. Kung alam ko lang kasi na hindi rin STEM ang kukunin ni Hen-- shit.

Speaking of the devil, ramdam na ramdam ko ang mga titig niya kanina. Though he's not talking to me... Pero mabuti na lang din. Ayokong kainin na naman ang mga sinabi ko. Na-realize ko na siguro kaya hindi ako makalimot sa nararamdaman ko sa kanya dahil nandiyan lang siya. Dahil magkaibigan pa kami. Kaya tama lang ang ginawa kong pagputol sa koneksiyon namin kahapon. Tama. Tama lang 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako habang inililibot ang paningin sa room.

Siguro ang pinaka-nakakainis lang sa phase ng pagmomove-on, 'yon ang may makita kang sweet na magjowa sa harap mo.

Iniwas ko na lang ang tingin ko mula kay Aides na ginugulo ang buhok ni Di. In fairness lang kay Di grabe ang development niya. Nakangiti siya ngayon kay Aides tapos halatang namumula.

Hay. Kailan kaya.

Tangina lang Luke.

Umiling ako saka ko kinuha muli ang ballpen. I need to try. Writing is not for me but I need to do this. And besides, tama naman si Ma'am Jane. Makakatulong 'to para mailabas ko ang mga hinanakit ko.

Ilang ulit akong nagpunit ng sticky notes at nagsulat bago ako matapos at ipasa 'yon kay Ma'am. Ilalagay 'yon ni Ma'am mamaya sa arts board ng classroom namin. Buti na lang nga at hindi niya pinalalagay yung pangalan namin do'n. Kapag pinapasa na kasi namin, inirerecord niya na. Buti na lang. Ayokong mabasa niya yung sa'kin.

"You can now take your snack class," sabi ni Ma'am matapos tumunog ang bell.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Henry sa gilid kaya nag-iwas ako ng tingin. But as usual, mukhang hindi ulit siya sasabay sa'min. Nauna na siyang lumabas. Kung babae lang siya aakalain kong meron siya ngayon dahil sa pagbangga niya sa dalawa kong kaklaseng lalaki na lalabas din sana. Kanina pa siya ganyan. Mukhang masama ang gising. Ilang ulit na nga siyang nakabulyaw ng isa sa mga kaklase namin kanina.

"Punyawa naman Luke kapag hindi ka pa talaga lumingon sa'min sasampalin na kita."

Napatingin ako agad sa taong nagsalita. Napangiti na lamang ako nang pilit nang makita ko si Kai na nakakunot na ang noo kasama silang lahat.

"Huwag mo kaming ngingiti-ngitian diyan. Kanina ka pa namin tinatawag," nakahalukipkip na sambit ni Sei.

"Wait lang. Ito na," sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. "Excited niyo masyado. Hindi naman aandar cafeteria."

"Yung cafeteria hindi umaandar, pero yung pagkamainipin ko, oo."

Napatingin ako sa mga sticky notes na nasa board. Natagpuan ko agad ang tulang ginawa ko. Nakagat ko na lang ang labi ko nang muli kong mabasa 'yon.

If Only

If only fairy-tales do come true,
Perhaps I would meet my own prince too.
If only I was one of the princess,
I wouldn't end up being a mess.

If only this wasn't the reality.
If only I could be really happy
If only we didn't meet here,
I wouldn't feel my heart being tear.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon