WD 15: I Like You

1.1K 58 50
                                    

Luke's POV

"OKAY ka na ba, Lu?"

Mula sa kalsadang dinadaanan namin, inilipat ko ang tingin ko sa kanya saka ako ngumiti at tumango. "Pasensya ka na, ha. Nadamay ka pa tuloy."

Ginulo niya ang buhok ko dahilan para panlakihan ko siya ng mata. "Yawa ka. Nagdadrive ka! Gusto mo bang maaksidente tayo?"

"As if I'll let that," sabi niya habang tumatawa. "I'm here to protect you not to harm you."

"Heh!" sabi ko saka ako tumingin ulit sa kalsada. Baka mamaya niyan grabe na pala ang pula ng mukha ko tapos makita niya pa. "Pero salamat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina." Inangat ko ang kamay ko saka ito tiningnan. Mapula pa rin. "I don't know what's happening to him anymore. He's getting worst."

"Nagsasabi ba siya sa'yo?"

Napatingin ako sa kanya dahil do'n.

"I mean, lately, does he tells you his problems? May pakiramdam ako na meron. Nabanggit niya 'yon nung isang araw sa'min."

Umiling ako. "Hindi siya yung gano'ng tipo ng tao. He's keeping it to himself. Lagi niyang sinasabi na ang importante raw nasa tabi niya lang ako. Because of that he'll remain strong." Tapos sasakalin niya ako ng pabiro at yayakapin. Gano'n siya. Gano'n si Henry. "But, there's one time na sinabi niya yung problema niya. Kaunting detalye lang. About kina tita."

'Yon yung time na grabe ang tampo niya sa mga magulang niya. Artista ang nanay ni Henry, si tita Helen. Habang businessman din ang tatay niya, si tito Loki. Palaging busy ang dalawa. Wala silang oras para sa anak nila. Kaya nga dati ang sama-sama ng ugali ni Henry. 'Yon ang way niya para makuha ang atensiyon ng mga magulang niya. Grabe ang ugali niya no'n. Napakabully. Napakalala. Hinawakan niya pa ako no'n sa kwelyo ko nang unang beses na lapitan ko siya at ngitian. Muntik niya pa akong bugbugin. Kahit bata pa siya gano'n na siya. Pero, mabuti na lang dahil linakasan ko ang loob ko. Dahil do'n nagbago siya. Naging magkaibigan at naging malapit kami.

"Gano'n nga siya." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Gelo. "Si Aides ang pinakamalapit sa kanya sa grupo pero kahit sa kanya walang nabanggit si Lox."

Dahil sa sinabi niya hindi ko maiwasang kabahan at makonsens'ya. Gusto ko tuloy bumalik papunta sa kanya. Kasi naman. . . pa'no kung may dinaramdam na pala si Henry? What if malala na? What if subukan niyang magpaka-- shit! No. Hindi gano'n Luke. Hindi niya magagawa 'yon.

Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan kung may message galing sa kanya. Pero wala. Wala akong nakita.

Bakit naman kasi sinabihan mo siya ng gano'n Luke?


"LU wake up."

"Lu."

Iminulat ko agad ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Gelo at ang pagtapik niya nang mahina sa mga pisngi ko. Shit lang. Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan. Quezon City pa kasi ang bahay nila kaya medyo malayo.

"Nandito na tayo."

Agad na nanlaki ang mga mata ko saka ako umayos ng upo. Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Bumalik na naman ang kabang naramdaman ko kanina.

"Relax," natatawang sabi niya. "Hindi nangangain ang mga magulang ko."

Lumabas na siya ng kotse dahilan para mapahinto ako. Kinakabahan talaga ako.

Malamang kilala na nila ako. Pwedeng gano'n dahil sa Salvador ako. Pwedeng alam na rin nila ang ginawa kong pag-amin no'ng isang araw.

"Let's go."

Muntik na akong mapatalon nang bigla siyang magsalita. Nabuksan niya na rin ang pintuan ng kotse. Dahil do'n muling lumaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang na-realize na nandito na pala kami. Nasa parking lot ng bahay nila. Agad kong inabot ang kamay niya at bumaba mula sa kotse. Nang makalabas, hindi ko maiwasang mamangha. Ang ganda ng bahay nila. A 3-storey urban modern house. Maaliwas din dahil sa napakaraming mga halamang nakatanim. Pakiramdam ko nga mahilig sa halaman ang nanay ni Gelo. Iba't-ibang klase ang nakatanim dito. Nakahinga ako nang maluwag dahil do'n. Medyo naniniwala rin kasi ako na kung ano ang aura na nararamdaman mo sa bahay, gano'n ang mga taong nakatira do'n. And this house feels lively.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon