Luke's POV
Isang buwan na at mahigit ang nakalipas nung mangyari 'yon. Wala namang nagbago. Gano'n pa rin. Nasasaktan pa rin ako.
Sabi na nga ba. Kaya ito yung iniiwasan ko eh. Ayoko talagang maging kaklase siya. Nakikita ko ang lahat. Nasasaktan ako sa lahat.
Kaso. . . mukhang hindi lang ako ang namomroblema. Napapansin ko rin na maging kina Di at Aides ay parang nagkakalabuan din. Ewan ko. Nagsimula 'yan nung dumating si Clyde.
Nang nagbell na, sabay kami ni Henry na lumapit kina Di. Nagtaka pa ako nang makita kong samaan niya ng tingin si Henry. Nakakuyom pa ang kamao nito kaya talagang nakapagtataka.
"Okay ka lang ba Di? Mukhang mas puyat ka pa sa'kin," sabi ko saka ako tumawa.
Agad niya akong sinaluduhan gamit ang gitnang daliri niya na ikinatawa ko.
"Fuck you. Mas malalim sa'yo gago."
"Aides! Henry! May naghahanap sa inyo! Member ng team at mukhang importante raw."
Napatingin kaming lahat sa nagsalitang si Jane na itinuturo na ngayon ang isang lalaking nasa junior high school pa base sa uniform niya.
Muli na naman akong nagtaka nang makita ko ang makahulugang tingin ni Aides kay Di. I swear, there's something weird here. Bukod do'n, nung umalis ang dalawa saka ko lang nakitang huminga nang malalim si Di.
Nag-aalala akong napatingin sa kanya. "Hey... I know this seems serious... But... are you okay Di?"
Ngumiti siya sa'kin. Pero hindi niya ako maloloko. Alam ko ang klase ng ngiting 'yon. Sanay na ako sa ngiting 'yon-- ngiting pilit.
"Oo na--"
"DIIIII!"
Pareho kaming napatingin sa biglang sumigaw. Hihilain na sana ako ni Di nang mabilis makarating sa pwesto namin si Kai.
"No! Don't run!" sabi ni Kai habang ngumingiti. "Kayo na talaga ni Aides?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Maging si Di rin. Nakita ko pa ngang naglibot siya ng tingin na para bang tinitingnan kung may iba pang nakarinig sa sinabi ni Kai.
"Shit! Pa'no kung may nakarinig sa sinabi mo?"
"Is that the answer?" nakangiting sabi ni Kai.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
What. . .
"W-what... What did I just heard? K-kayo na? S-sino? DAMN! DI! YOU'RE DATING AI--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan ni Di ang bunganga ko. "Tangina mo, tahimik! It's not what you think. And you Kai," Tumingin siya kay Kai. "Mali rin ang iniisip mo."
Nakita ko ang pagsimangot ni Kai. "Ano ba 'yan! Hindi! Hindi ako maniniwala 'no! Eh ang sweet sweet niyo kanina. May pafrench kiss pa kayo tapos holding hands while walking!"
Kung pwede lang sanang lumuwa ang mata ko, malamang kanina pa 'to nasa sahig. Hindi ko alam. Tama ba ang naririnig ko? French kiss? Si Aides at Di na?
Nakahinga ako nang malalim nang pakawalan ako ni Di.
"It's not like that. It's not a sweet connection or anything." Malungkot siyang napangiti.
Sabi na. May mali.
Hindi maitatago sa'kin ni Di na may nangyayari ngayon sa kanya.
"I'm not going to judge you Di! In fact, I will support you," sabi ni Kai nang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Wrong Darts
Teen FictionDaphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happen if one try to make the darts right? What will happen if there's an eclipse? Will they finally ach...