WD 10: Freedom

665 32 3
                                    

TRIGGER WARNING!!!

Luke's POV

"Don't cry anymore. See? Hindi na madilim. The moon is smiling at us," sabi niya saka tingin sa labas ng kwarto niya.

Napaigtad ako nang naramdaman kong tumayo siya. "I'll be back. Alam kong gutom ka na rin."

Napahinto siya nang hawakan ko ang kamay niya habang nananatili pa rin akong nakayuko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko nga alam kung kaya ko nang makausap siya. Pero. . . Ayokong umalis siya. Ayokong mawala ulit siya sa paningin ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka siya lumuhod para ipantay ang paningin namin. "Walang mananakit sa'yo, Luke. I'm here. You're not alone anymore. I'm just going down there for a minute." Ngumiti siya saka pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"No." Hinawakan ko ulit ang kamay niya. Buti na lang hindi tumulo ang sipon ko nang umiyak ako kanina. "Ako na." Sinalubong ko ang tingin niya. "Ako na lang magluluto."

"Then, it's better." Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay ko na ikinaigtad ko. "Let's go."

Bakit gan'to? Bakit ka ganyan Henry?

Huwag. Huwag mo na akong sanayin na nandiyan ka lagi. Kasi baka sa halip na lumayo baka mas lalo pa akong umasa tapos mahulog.

"Okay," sabi ko saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

He's just here as a friend. Wala nang iba.

AGAD kong binuksan ang pintuan ng bahay nang makauwi ako galing sa bahay ni Henry. Nakatulog na siya kaya nakatakas ako. Nagpapasalamat ako sa kanya kanina. Pero kailangan kong umalis dahil wala naman akong rason para manatili pa. May Isha siya. Hindi niya ako gusto. Pinapasakay niya lang ako.

Ipapalusot ko na lang kay dad na nakisleep over ako kina Di. Bukod do'n, may kailangan pa akong iedit mamaya na iuupload ko sa channel ko.

Ipinatong ko ang bag ko sa sofa sa living room saka pumunta sa kusina. Nang makakuha ng snacks, bumalik ako sa living room para manood ng anime-- my stress reliever.

Episode 3 na sana ako ng Daily Lives of High School Boys nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot nang makitang nagvideo call si kuya Drake.

"Kuya!" agad na bungad ko sa kanya.

Nawala ang ngiti ko nang mapansin ko kung nasa'n siya. Ang itsura ng living room na 'to. . .

"Kuya..." Napalunok ako. "Nakauwi na kayo?"

Nakita ko na tumabi sa kanya si mom saka ngumiti sa'kin. "Miss na miss ka na namin, anak."

No. . .

Kung nakauwi na sila. . . Malamang nandito na rin si kuya Damon.

Pero ilang minuto na wala pa rin siya sa video. Narinig ko na ngang nagtanong si dad pero wala pa rin siya. Kaya napahinga ako nang maluwag. Agad akong ngumiti sa kanila. "Bukas po uuwi ako. Nandito ako kina Di, mom. May tinatapos lang po."

Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila.

"Hindi ba sinundo ka ni kuya Damon mo? Nagkasalisihan ba kayo?"

Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil do'n.

Kung. . .

Kung sinundo ako ni kuya. . . Kung nando'n siya kanina. . .

Ibig sabihin nakita niya kaming magkasama ni Henry? Ibig sabihin nakita niya akong inakbayan at hinalikan sa noo ni Henry?

Nang may marinig akong kumalabog sa taas ay mas lalo pa akong kinabahan. "Mom, bukas na lang. Good night po sainyo."

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon