WD 2: Why?

721 36 1
                                    

Luke's POV

"Na, na-na, na-na
Na, na-na, na-na
Ice on my wrist, yeah, I like it like this
And I'm nice with the cream
If you know what I mean
Ice cream, ice cream
Ice cream"

Hingal na hingal ako nang matapos akong sumayaw. Well, bukod kasi sa pagsasayaw sumasabay rin ako sa pagkanta.

Ngumiti ako sa camera at agad lumapit dito.

"That's all for today, everyone. Thank you for watching!" sabi ko saka iwinagayway ang mga kamay ko.

This is what I love doing when I'm bored. Pero ang nakakatuwa, kumikita rin ako dahil dito. I even bought this house because of this. Kahit bata pa lang ako ay nagawa ko na 'yon kaya kahit papa'no naiisip ko rin na mali si dad. May dulot pa naman ako. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa mga nanonood at sumusuporta sa mga video na ina-upload ko.

And aside from that, while doing this, I'm also being myself.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. The power of makeup. Maging ako-- kapag nakikita kong gan'to ako-- hindi rin ako makapaniwala.

Nakasuot ako ng Japanese school uniform na itim na may puting kwelyo at pulang ribbon sa may gitna ng bandang dibdib-- fake nga lang. Sana totoo huhu. Nakasuot din ako ng asul na contact lense at shoulder-length pink-colored na wig at black bow sa bangs ko.

I'm cosplaying Chika from "Kaguya-sama Love is War" today. Napili ko siya kasi pakiramdam ko bagay sa kanya ang kanta. And "Ice Cream" by BLACKPINK featuring Selena Gomez is one of the most requested songs by my subscribers that I should dance.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang laptop. Halos ilang minuto akong nakaharap do'n para lang ma-edit ang video. Nang matapos, inupload ko ito agad sa YouTube.

Napahinga ako nang malalim.

Finally!

Bumaba muna ako saka pumunta sa kusina at naghanda ng snacks. Nang mailagay ko na ang cookies na ako mismo ang nagbake sa oven, nag-unat-unat muna ako.

Nakakapagod.

Bago kasi ako sumayaw, nagstream muna ako sa game room dito.

Inilibot ko ang paningin ko. Simple lang 'tong bahay na pinagawa ko dahil sa halos 2 years na pag-upload ng mga videos ko sa YouTube. Almost all interior and exterior of it is pastel blue-colored. Syempre, ito yung paborito kong kulay eh.

Sa unang palapag, may living room, kusina at isang cr. May tatlong rooms naman sa taas: kwarto ko, sarili kong dance studio, at ang game room ko. Actually, hindi alam nina dad na may sarili na akong bahay. Wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kanila.

Well. . . How could I tell them when my secret will be reveal because of it?

Dinala ko ang na-itimpla kong gatas at ang mga cookies sa taas. Pero halos maibuga ko ang iniinom ko sa laptop ko nang makita ko ang isang comment.

Bwisit.

Marami na kasi ang nagcomment. Iba-ibang language pa nga. Tapos bwisit-- yung iba kabastusan.

Kaso, ayan na naman siya. Actually, sa two years na paggagan'to ko, may isa akong kilala na palaging nandiyan para magcomment. I could say his my top fan-- err top subscriber!

Luke naman. . . Artista ka bhie? Fan fan ka diyan?!

Pero seryoso, malapit ko na talagang patulan 'to. Dalawang taon na kasi ang nakalipas pero nandiyan pa rin siya. Baka siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Hihi.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon