Chapter Six

12 6 0
                                    


Ilang araw ang nakalipas, mas lalong lumapit ang loob namin sa isa't isa. Parang hindi nga kami mag ex nito. Ang karaniwang mag ex ay galit sa isa't isa hindi ba? Pero kaming dalawa ay hindi. Nakakapag-usap, nakikipag-biruan at minsan naghaharutan kami na para bang walang sama ng loob na itinanim sa nakalipas na limang taon.


"Bakit kasi passcode ginawa mo sa iba? Ikaw lang naka key card! Ano ikaw lang dapat naiiba?" tanong ko habang kumakain kaming dalawa.


Napagkasunduan kasi naming kung ano man ang lulutuin ko ay yun ang kakainin namin pag uwi niya. Minsan, sobrang tabang nung nailuto ko kaya niretoke niya pa bago kami kumain. Aba, kinakabahan na kasi ako maglagay ng mga condiments at baka magka UTI na naman ako tapos madamay ko pa siya. Pero sabi naman ni Alex ay nag improve yung luto ko nitong mga nakaraan.


"Makakalimutin ako eh. At least kung key card, sinasama ko lang siya sa mga cards ko. Hindi ko naman makakalimutan yon dahil kailangan ko talaga iyon," sagot niya at napatango naman ako.


"Oo nga pala, high school pa lang malilimutin ka na," asar ko.


"Hindi naman! Masyado ka lang talaga excited sa mga occasions," ganting asar niya kaya inirapan ko siya. "Oh bakit? Totoo naman ah? Dalawang araw pa bago birthday mo pero bigla bigla ka na lang nagtatampo kasi nakalimutan ko kamo."


"Sinisiguro ko lang na hindi mo nakalimutan!" pag dedepensa ko sa sarili. "Minsan mo na kayang nakalimutan anniversary natin! Oh wag mo itanggi, sasakalin kita!"


"Isang beses lang 'yon! Naawa nga ako sa sarili ko noon dahil napakahirap mong suyuin," tinaasan ko lang siya ng kilay at napailing na lang.


"Hindi ko kasalanan 'yun! Ikaw ang nakalimot eh. Akala ko pa 'man din ay may surprise ka kasi 5th year anniversary natin 'yon!" sigaw ko.


"Nag explain naman ako noon ah? Sabi ko hindi ako nakapag prepare dahil nagrereview ako sa entrance exam natin sa college!" sigaw niya pabalik.


"Ikaw na nagsabi! Entrance exam natin! So meaning, pati ako ay nagrereview noon! Pero ako naalala ko kahit nagrereview, ikaw lang talaga nakalimot!" binelatan ko siya kasi alam kong talo na siya. Nasa akin lagi ang huling halakhak.


"Oo na. Tagal-tagal na eh pinag-aawayan ulit natin," sabi niya at natawa naman ako.


"Ikaw kasi eh, nakikipagtalo ka pa," sagot ko pero nag make face lang siya.


"Ewan ko sa'yo. Hindi ka masarap magluto!" binelatan niya ako. Hahampasin ko na sana siya pero tumayo na siya at kumaripas ng takbo paakyat.


Basagin ko kaya lahat ng plato niya dito? Hindi daw ba masarap!


Iniligpit ko na lang ang kinainan namin. Malamang ay naliligo na iyon, ganoon naman lagi. Pagkarating niya ay kakain na agad kami tapos saka siya maliligo. Ako naman ay magliligpit tapos uuwi na. Siya na daw lagi maghuhugas dahil ako naman ang nagluluto kaya pumayag naman ako.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now