Chapter Four

16 6 0
                                    


Kinabukasan, kahit na hindi ako nakatulog ng maayos ay maaga pa rin akong nagising. Tinatamad akong magluto kaya naman ay nag padeliver na lang ako at habang naghihintay ay pumunta na ako sa banyo para maghilamos at makapagpalit sa mas komportableng damit.


Halos ilang minuto lang ay narinig kong may kumatok kaya naman pinagbuksan ko agad iyon sa pag aakalang yun na yung pagkain ko. Nagulat ako nang makita si Alex.


"Oh? Hindi ba mamaya pa?" takang tanong ko. Agad namang kumunot noo niya at tumingin sa damit ko.


"What do you think you're doing?" galit niyang sabi kaya nabigla naman ako.


"I thought you're the delivery guy?" patanong kong sabi, hindi ko naman kasi maintindihan kung ano tinatanong niya. Tapos pagalit pa.


"Buti na lang pala at ako nauna! Magpalit ka nga doon," sigaw niya at tinulak na lang ako papasok. 


Pumasok din siya at siya pa nagsara nung pinto. Nang makita niyang di ako kumikilos sa kinatatayuan ko ay sinamaan niya ako ng tingin at tumingala.


"I know you lived alone for five years. And there's nothing wrong with that," mukhang hirap na hirap siya sa pag eexplain at nanatiling nakatingin sa kisame. Lalo akong naguluhan sa sinasabi niya.


"Oh tapos?"


"Nasa Pilipinas ka na, so wear something underneath. Hindi katulad sa States na normal lang doon ang hindi naka bra," napatakip agad ako sa hinaharap ng makuha ang sinabi niya. Walang pasabi ay tumakbo ako sa kwarto.


Ano ba kasi ginagawa niya dito? Nakakahiya! Pero ako lang naman kasi mag-isa kaya ganoon. Kaso mali rin talaga dahil may magdedeliver ng pagkain. But it doesn't mean na okay lang na siya yung nakakita!


Ginawa ko ang sinabi niya tapos nagsuot na rin ako ng makapal na damit. Wala akong pake kung mainit dito, gusto ko lang maging sigurado na walang babakat!


Nakarinig ako ng tawa pagkalabas ko ng kwarto kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagkibit balikat lang siya at tinuro yung dining table kaya nakita ko yung inorder kong pagkain. Hindi ko siya pinansin at pumunta na agad don.


"Why don't we jog first bago ka lumamon diyan?" alok niya pero inilingan ko siya.


"Hindi naman ako araw-araw nag eexercise," sagot ko at kumagat sa sandwich. 


Naupo siya sa tabi ko kaya nahiya naman ako na hindi siya alukin. Inalok ko siya pero agad naman siyang umiling.


"Aayain lang sana kitang mag jogging ngayon eh. Tuwing kailan ka ba nag workout?" tanong niya.


"Every other day," sagot ko.


"Okay, alis na ko. Sunduin kita mamaya dito ah?" sabi niya at tumayo. Tinanguan ko naman siya at hinayaan lang siyang umalis. Nakakatamad maghatid eh sa pinto eh. "And please, mag bra ka."

In the End [On-going]Where stories live. Discover now