Chapter Twenty Three

4 2 0
                                    


Nakakatakot. Nakakakaba. Sino ang gagawa nito sa'kin? I've been gone for five years! Mag t-three months pa nga lang ako dito sa Pilipinas. Bakit may threat? Ano bang ginawa ko? May kaaway ba ko? May inaway ba ako sa bar noong nakaraan? Hindi naman ako nalasing non ah? Bakit?


"Eli, you're scaring me. Ano nasa isip mo ngayon?" kinakabahang tanong ni Alex.


Nasa may parking na kami ng condo. Ni hindi ako nakapagsalita kanina habang nasa byahe. Si Alex naman ay palingon-lingon sa akin habang nag d-drive siya. Hanggang sa makarating kami dito ay hindi ako nagsasalita, iniisip ko kung sino ang pwedeng gumawa noon.


"S-saan mo nakita 'to?" kinakabahang tanong ko. "At bakit nasayo? Para sa akin ang sulat?"


"Nung sinundo kita sa unit mo kanina. Pagpasok ko pa lang ng unit mo, napansin ko na 'yung sobreng pula sa may paanan. Syempre kinuha ko para ibigay kaso may note sa gilid na farewell. Kinabahan ako kaya binasa ko. Itinago ko muna sa'yo kasi ayoko kabahan ka or matakot. Gusto ko malaman mo 'to kapag nasolusyonan ko na."


"Ano? Sa unit? Paanong nakalusot 'yon?" takang tanong ko.


"Hindi ko rin alam. Pinacheck ko na CCTV ng condo. Nakita doon na may nag-utos sa lobby tapos 'yung receptionist naglagay sa unit mo. Sabi nung receptionist, urgent daw 'yon kaya nakiusap 'yung lalaki na ilagay sa unit mo. Sinabi 'yung buong pangalan mo, pati floor and unit number na parang kilala ka talaga. Kahit nga pangalan ko ay binanggit kaya hindi na nagtanong pa 'yung receptionist."


Napakuyom ako sa inis. Kilala ako? Sino naman maaaring gumawa noon? Saka bakit ako? Wala naman ako nakakaaway! Si Alex kaya? Baka nadamay lang ako pero hindi eh, sabi sa sulat ay hindi dapat ako maging masaya. Hindi ko pa alam ang lahat.


"Teka? Lalaki?" tumango naman siya. "Sino namang lalaki ang may galit sa akin?"


"Hindi ko rin alam, pero natatandaan mukha niya nung receptionist kaya hintayin na lang natin kung makikilala natin bukas yung drawing. Napaka-reckless rin niya kung sakali, feeling ko may nag utos lang din sa kanya."


"Akala ko magiging maayos na lahat," sabi ko at tinignan siya nang may luha sa mata. "Sabi ko pa, sa wakas nakukuha ko na ulit 'yung buhay na nawala sa akin sa loob ng 5 years kong nasa LA. Tapos may ganitong mangyayari pala. Gusto ko lang maging masaya, Eli."


"I know and I will do anything for you to be the happiest person. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila sa kahit na anong paraan. For now, gusto ko magpahinga ka. I'll promise to keep you safe kaya gagawin ko 'yon."


Niyakap ko siya at kahit na sa ganoon pa lang ay naramdaman ko nang safe ako. Sobrang sarap sa feeling na may handang gawin ang lahat para sumaya ka lang. Hindi ko alam gagawin ko kung wala si Alex sa buhay ko. Siya naging kakampi ko sa lahat, kasama ko tumawa, umiyak, mainis, magalit, noong nagtry kami mag bar hopping, noong bumagsak kami sa math nung highschool. Halos kalahati ng buhay ko ay kasama ko na siya sa lahat ng 'yan, kaya noong naghiwalay kami ay mas pinili ko na lang talaga magpakalayo-layo. Hindi ko kakayanin na makita siya tapos hindi kami magkikibuan o kaya naman ay makita siyang may kasamang babae!

In the End [On-going]Where stories live. Discover now