Chapter Twenty Five

5 2 0
                                    


Wala ako sinabihan sa ginawa ko. Ayokong maisip nila na wala akong tiwala sa mga ginawa nila at kumilos pa ako ng sarili ko. Pero ayoko rin namang nakatunganga lang at naghihintay sa kung anong balita na sasabihin nila sa akin. 


Ngayon, papunta na kami sa presinto. Sakto kasi nung nakaalis sila mama ay tumawag 'yung kausap ni Alex at sinabing nahuli na si Fred. Nagbihis lang kami tapos ay nagmamadali na kaming umalis. Napansin ko rin 'yung sumusunod sa aming sasakyan at nung nakababa kami ay doon ko lang nakita na sila 'yung bodyguards na sinasabi ni papa. Tinanguan lang nila ako as a greeting siguro, tapos ay kumalat na sila sa presinto kung saan hindi mo mahahalatang binabantayan pala kami. Binalewala ko na lang sila at dumiretso na sa loob.


"Nasaan siya?" tanong ni Alex.


"Sir, dito po," napalingon kami at nakita namin 'yung investigator na malapit sa pinto.


"Pwede ba namin siyang makausap?" tanong ko nang makalapit kami sa kanya.


"Opo ma'am pero kakausapin po muna natin sila," turo niya sa mga pulis. "Minsan kasi hindi sila pumapayag agad at sila muna 'yung kakausap kay Fred."


Tumango ako at napatingin sa pinto nang saktong bumukas iyon. Nakaramdam ako ng takot nang makitang nagwawala si Fred sa loob. Napahawak agad ako sa braso ni Alex nang mapatingin siya sa amin.


"KASALANAN NIYO 'TO! PAKAWALAN NIYO AKO!" sigaw niya at akmang susugod sa amin pero agad siyang nahawakan ng mga pulis.


"Ma'am, sir?" napatingin ako sa gilid ko at nakita ang isang pulis. "Dito po muna tayo."


Dinala nila kami sa isang kwarto, mukhang office nila. Pinaupo kami at inalok ng maiinom pero tumanggi kami ni Alex. 


"So, as you can see hindi pa namin mapagbibigyan ang hiling niyo," panimula niya. "Masyado siyang aggressive ngayon, ilang kapulisan na ang sinaktan niya kahit naka posas. Kaya nilagay na lang namin sa likod ang posas kahit papano pero ayaw namin i-take 'yung risk na baka saktan kayo."


"Eh kailan namin siya makakausap?" tanong ko. "Nasa kapahamakan pa rin kami kung 'di namin siya makakausap!"


Hinawakan ako ni Alex sa balikat at kinakalma. 


"Palipasin po muna natin 'yung gabi bago kayo humarap sa kanya, ma'am. Pero huwag naman po kayo mag alala dahil kami po muna magtatanong sa kanya mamaya. Sa mga ganitong sitwasyon po sana magtiwala muna kayo sa amin para mas ligtas po kayo," mahinahong sabi niya kaya pinilit kong kinalma sarili ko.


Kalma, walang magagawa ang inis ko kung mapapahamak nga lang din kami. Parang ganito lang din 'yung pinopoint ko kay Alex kanina.


"So bukas? Babalik kami bukas, makakausap na namin siya?" pag-uulit ko at tumango naman siya.


"Sisiguraduhin po namin, ma'am!" sagot agad niya.


Wala kaming nagawa kung hindi ang umuwi dahil na rin nag aalala kami na baka nga lalo kaming mapahamak kung magpupumilit pa kami. Kitang kita ko 'yung galit sa mga mata niya kanina. Nakakatawang isipin na parang siya pa 'yung naging dehado sa nangyayari ngayon. Dapat ako 'yung galit eh. Dapat kami 'yung sumisigaw sa loob dahil sa galit namin sa kanya pero parang siya pa ang biktima.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the End [On-going]Where stories live. Discover now