Chapter Fifteen

23 6 0
                                    


Monday. First day of my training and I swear, I have a bad feeling about this. Kanina habang nagluluto ako ay napaso ako. Nung naliligo naman ako ay nadulas ako tapos ngayong nagbibihis ako ay natapunan ko ng kape yung top ko, in short ang malas ng araw na ito. Kinakabahan tuloy ako at baka magtuloy-tuloy hanggang mamaya 'to.


From: Eli
Good luck on your first day! I'm rooting for you!


"So far text ni Alex pa lang matinong nangyari ngayong araw," sabi ko sa sarili.


Kumuha na lang ako ng panibagong damit at nagmamadaling umalis. Ayokong ma-late! Buti na lang at maaga talaga akong gumising. Kung alam ko lang na ganito mangyayari ngayong araw ay hindi na sana ako nag breakfast.


"Ms. Sanchez!" sigaw ni Louise nang makita ako sa lobby.


Agad ko siyang nilapitan, "Oh goodness! Hindi pa naman ako late diba?"


"Hindi pa," natatawang sagot niya. "Pwede mo pang ayusin buhok mo. Ang gulo eh."


Kahit pa senior ko siya dito sa work ay inabot ko lahat ng gamit ko sa kanya para mag ayos ng buhok. Natatawa naman niyang kinuha iyon at tinulungan pa ako. Nang maayos ko na ay kinuha ko na 'yung gamit saka nag sorry.


"Mukhang excited ka ah?" asar niya sa akin.


"Kinakabahan nga ako eh. Sino ba 'yung marketing manager? Mabait ba?" tanong ko.


"Oo naman. Saka bakit ka kakabahan eh si Ma'am Malucia naman ang Chief Marketing Officer?" nagtatakang tanong niya pero napailing ako.


"Alam mo naman na tinatago ko 'yung real identity ko para walang special treatment."


"Pero..." she shakes her head. "...kinakabahan ka dahil baka mapahirapan ka or mapag-initan?"


Hindi ko mapigilang tumango. I mean, I really don't like to have any special treatments but I fear that it will be hard for me to work in a new environment. Lalo akong kinabahan nang makitang papasok si tita Malucia. Louise bowed at her kaya ginaya ko siya. Lumapit siya sa amin at hinawakan niya ang balikat ko.


"Are you ready, Eileen?" nagulat ako sa tinawag niya pero nginitian niya ako. "I brag your name here for the past 5 years kaya hindi pwedeng Isabelle tawag ko sa'yo."


"Yes, I'm ready!" sagot ko. "You'll introduce me to the marketing team, right?"


"Yes, they're complete already to welcome you," she motioned me to walk beside her. "Oh, you must not forget that you'll be using your mother's maiden name."


Tumango ako sa sinabi niya. Right! Hindi pwedeng Sanchez ang gamitin ko. Ang arte ko rin kasi ano? May patago-tago pa ng identity, akala mo naman eh may papatay bigla sa'kin dito. Natawa ako sa naisip at napailing na lang. 


Dumiretso kami ni tita sa 15th floor kung nasaan ang marketing department. Nagulat pa ako dahil nakita namin silang nakahilera at nakangiti sa akin. Mukhang paranoid lang talaga ako kanina. Hindi ko na kailangan pang kabahan dahil mukha silang mababait.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now