Chapter One

39 7 0
                                    


"Let's end this."


Three words. You ended our relationship with that. Eight years for just three words? How could you do that? Simple word but definitely can ruin a life, especially me.


How funny that I still remember that day. The moment that I knew there was something wrong but I didn't mind it. Kase alam ko, alam kong 'di mo gagawin yon.


Pero ginawa mo. Nagulat ako pero pinilit kong ngumiti sa harapan mo. Tinanong kita kung nagbibiro ka ba pero ang sagot mo ay talaga namang winasak ang mundo ko.


"No. I want this to end. I want our relationship to end."


Tinitigan kita sa mga mata mo. Tinitignan at umaasang nagbibiro ka lang, pero hindi eh. Buo na desisyon mo. I don't know what to say that time. But guess what? I still smiled at you.


"Okay. Thank you for everything,"


Tanging sagot ko. Halatang nagulat ka na parang inaasahan mong magwawala ako sa narinig pero hindi ko gagawin iyon. Kahit pa ang isip ko ay sumisigaw ng mga tanong na gustong masagot. Hindi ko alam kung paano isasatinig lahat ng iyon kaya hinawakan ko ang kamay mo sa huling sandali. Hindi pinahahalatang nasasaktan kahit namumuo na ang luha sa aking mga mata.


"Can you do me a favor?" tanong ko habang tinititigan ko ang iyong mukha. Kinakabisado ko lahat ng features ng mukha mo sa kadahilanang baka hindi ko na ulit ito masilayan. Mula sa mata, mahahabang pilikmata, sa ilong, at ang iyong labi.


Tumango ka kaya't lalong lumawak ang ngiti ko kasabay ng pagpatak ng luha kong kanina ko pa pinipigilan.


"Pwede pag labas natin dito, magpanggap tayong hindi magkakilala? Hindi ko ata kase kayang maging kaibigan ka. I don't want to be with you kung kaibigan lang ang maibibigay mo sakin. Hindi ko kakayanin." Hinawakan ko yung mukha niya na kanina'y nakahawak sa kamay niya saka ko sinabing, "Maging masaya ka ha? Sana matupad mo lahat ng pangarap mo. Pangako, na kahit hindi mo 'man ako makita simula sa araw na ito, susubaybayan ko pa din kung pano ka magiging successful, okay Engineer ko?


We parted ways after that. Nakita ko siyang umiyak sa harap ko matapos kong sabihin 'yon. Niyakap ko lang siya saglit saka ako umalis.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now