Chapter Thirteen

23 6 1
                                    


I woke up with a headache but unlike last time, it is bearable and naaalala ko mga ginawa ko kagabi. Natawa ako nang maalala 'yun. Hay Alex, what should I do to you?


Someone knocked pero hindi ako nakasagot agad dahil tuyo lalamunan ko kaya pagbubuksan ko na sana nang makapasok na si Alex na may dalang pagkain. Nagulat pa siya nang makita akong gising pero agad din tumikhim.


"I thought you're not up yet, I have your keys so I let myself in," sabi niya at inangat yung pagkain. "Breakfast?"


Nakangiti akong tumango at sinabi na sa veranda kami kumain. Hinayaan ko muna siya ayusin yung kakainan namin at dumiretso muna sa CR para maghilamos at magmumog. Ang gulo pala ng itsura ko, I still have my bed-hair look but it's fine. Alex have seen this before when I woke up late every time na may exams kami. Kaya siya laging gumigising sa akin dahil pumapasok pa sina mama noon at tulog mantika ako kaya kailangan sapilitan.


I remember that one time, nag away kami talaga kasi naman tinakpan niya bibig ko tas pinisil ilong ko. Jusko papatayin ata niya ako noon. Ginigising na raw niya ako pero hindi ako nagpapatinag kaya ginawa niya yun. Hindi na naulit dahil isang linggo ko siyang hindi kinausap hehe. Kasalanan naman niya 'yun!


"Bakit 'di ka pa kumain sa baba?" tanong ko pagkaupo ko sa harap niya.


"Wala ka kasabay eh," sagot niya. He handed me my plate that have garlic rice, hotdog, and egg. Sa kanya ay ganoon rin pero plain rice. Napangiti ako dahil nakakatuwa pala kapag naaalala niya yung mga gusto ko. Alam niyang mas bet ko fried rice kaysa sa plain which is baliktad naman sa kanya.


"Wow may fruits ka pang dala," sabi ko nang mapansin iyon. Kumuha ako agad ng strawberry at kinain iyon.


"Of course, pati na rin tea para sa hangover mo," he pointed the two mugs in front of me. One is a tea for me and the other is black coffee for him.


"Red ginseng na naman?" reklamo ko pero nagkibit balikat lang siya.


"Kailangan mo 'yan, para mas mabilis mawala hangover mo," sabi niya at kumain na.


"Wala naman ako hangover but thanks," sabi ko at sinabayan na siya sa pagkain.


Matapos namin kumain ay sinabihan niya akong nag aaya sina Joanna na mag island hopping bago kami umalis. Sinabi din niya na hapon na raw kami umuwi para makapagpahinga din nang kaunti bago siya mag drive.


Naligo agad ako pagkaalis ni Alex para naman kahit papano ay fresh para mamaya. Sinuot ko yung red two piece ko at white mesh cover up. I wore my sunglass and slippers dahil sayang naman kung yung gladiator ko ang mawala. Bumaba na ako at nakita ko ang mga bakla na nag sunbathing. Nasa may sand sila at naglatag lang ng cloth.


"Hoy! Ang aga niyo namang nagising?" sabi ko at tumabi sa kanila.


"Ikaw lang naman 'tong bumagsak!" sagot ni Tracy habang nakapikit pa rin at finifeel ang araw.


In the End [On-going]Where stories live. Discover now