Chapter Twenty Four

6 2 0
                                    


"Sir, nandito na po 'yung kausap niyo kahapon," sabi ng tumawag kay Alex.


Lumakas kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano mafifeel ko pwera sa takot at kaba. Sino kaya siya? Kilala ko ba? O kaya naman ay nakasalamuha ko na ba? Bakit siya papayag sa ganito? Sinaktan ko ba siya? Napahiya ko ba siya? Ano?


"Gusto mo bang dito ka muna? Ako na lang bababa for you," agad akong umiling.


"Sasama ako, ligpitin ko lang 'to."


Napabuntong hininga siya bago tumango. Niligpit ko 'yung kinainan namin, hindi pa ako tapos kaya tinakpan ko muna iyon pati na rin yung ulam. Nilagay ko lang sa plastic yung kay Alex pati na rin yung mga naubos naming gravy. 


"Tara," aya ko.


Hinawakan niya kamay ko habang naglalakad kami. Kinakabahan talaga ko pero kailangan naming harapin ito. Isa pa, mas nakakatakot malaman ang tao sa likod nito. Parehas naming alam ni Alex na kung sino man makita namin ngayon sa drawing ay utusan lang niya.


"Dito tayo sa office ko," sabi ni Alex kaya tumango ako.


Pagbukas niya ay may dalawang tao nang nandoon. Tahimik na nakaupo ang babae, na base sa tanda ko ay isa sa receptionist ng condo, at 'yung lalaki naman ay agad tumayo nang makita si Alex.


"Good afternoon sir," bati niya at tumingin siya sa akin. "Good afternoon, ma'am."


"Ano balita?" tanong ni Alex. "Upo ka dito, Eli. Nga pala, siya yung private investigator na kinuha ko." Tumango ako sa binulong niya.


"Sir, eto na 'yung drawing na nakuha ko kanina at base sa nakuha ko rin, mukhang kilala niyo siya sir."


May iniabot na envelope kay Alex at nakitingin naman ako agad. Binuksan niya iyon at napakunot noo ko kasi hindi ko kilala 'yung nasa drawing. 


"Sino 'yan?" tanong ko. 


Pagtingin ko kay Alex ay halatang gulat na gulat siya pero agad iyon napalitan ng pagkamuhi at galit.


"Bakit?" kinakabahang tanong ko at napabuntong hininga naman siya.


"Naaalala mo 'yung dahilan kung bakit nakasuhan 'yung firm? Siya 'yon. Siya 'yung contractor namin."


Gulat akong tumingin sa drawing. "Teka, hindi ba tinulungan mo nga siya? Bakit niya ginagawa 'to?"


"Hindi ko rin alam," sagot niya at lumingon sa investigator. "Nahanap ba kung nasaan siya?"


"Yes sir, mukhang hindi naman siya nagtatago dahil nakita ko siya mismo sa bahay nila kaninang umaga. Nakakapagtaka kinikilos niya pero mas okay na rin na natunton natin siya agad."


"Can you give me his address?" kinabahan ako kay Alex. Bakit naman niya hihingin 'yon!


In the End [On-going]Where stories live. Discover now