Chapter Two

25 6 1
                                    


Papunta ako ngayon sa kaibigan ko. Siya yung ikakasal. Nakakatuwang isipin na dati magkasama kami sa lahat ng bagay, sabay kaming nagkaroon ng first boyfriend, tapos pag may kaaway isa samin ay talagang kawawa ang kalaban dahil lagi kaming magkakampi. We're not known as 'siga' for nothing.


Bumaba ako sa taxi ng makarating sa bahay nila. Buti na lang kabisado ko pa din ang address nila. Ang saya bumalik sa dati kong pinupuntahan.


"EILEENNN! I MISS YOU OMG!" bungad niya sakin pagkapasok ko ng bahay nila. Abala sila sa pag aayos ng invitations pero nagawa pa niya munang lumambitin sakin.


"Hoy Joanna de Leon! Magkakaron ka na ng asawa ganyan ka pa din! Pero namiss din kita!" ginantihan ko yung yakap niya kaya binatukan niya ko


"Namiss din pala ko, nagagalit pa kunwari!" natawa na lang ako sa sinabi niya at pinuntahan ang mama niya para magmano.


"Eileen, tulungan mo nga kami. At napakadami pa pala neto pero di pa namin napapamigay. Dalawang linggo na lang ikakasal na ko. Baka mamaya wala umattend!"


"Aba bakit naman kasi late niyo inaasikaso iyan? Saka ano ka ba! Kaya nga ako pumunta eh para tulungan ka," sabi ko at tinignan yung invitations na nagkalat sa table nila. "Kaso lang, wala akong dalang sasakyan. Ayaw pa akong payagan ni mommy dahil baka daw malito ako sa pwesto ng driver's seat dito."


"Eh kasi naging busy kami parehas, ayaw ko naman iasa lahat kay mommy dahil hindi niya kasal ito. Ako ang ikakasal kaya gusto ko ako gumawa," natatawang sabi niya at natawa rin si tita sa sinabi ng anak niya. "And okay lang na wala kang sasakyan. Pupunta naman si Matt dito saka si Alex."


Natigilan ako nung marinig ko ulit ang pangalan niya. Naalala ko na naman yung nangyari kanina sa gym.



"Eli?" gulat na tanong niya. "You came back."


"Eli.." mahinang bulong ko at napayuko. "Excuse me."


Natataranta akong umalis sa gym at hindi siya nilingon kahit na tinatawag niya ako. Grabe yung kaba ko habang nakatingin sa reflection ko sa may elevator. How in the world he's here? Sinabi kaya nila mama? Close siya sa parents ko eh! Pero alam kong hindi naman nila gagawin iyon. Saka if ever man na pinuntahan nga niya ako, hindi siya sa gym didiretso kung hindi sa unit ko. Wait, omg! Hindi kaya dito din siya nakatira?


Para akong nanghina sa naisip. May posibilidad na araw araw ko siya makita, lintik na iyan. Dumiretso agad ako sa unit ko nang tumatakbo. Akala mo naman ay sinundan niya ako para tumakbo ng ganon pero hindi ko mapigilan sa sobrang taranta.


"It's okay, you're okay. Nakalimot ka naman na hindi ba?" tanong ko sa sarili at napagulo na lang ng buhok.


Naupo na lang ako sa couch para magpahinga. Hindi ko alam kung sa workout ba ako pinagpawisan ng malala o dun sa part na nagkaharap kami. Maya maya pa ay napag desisyonan ko nang maligo at matapos non saka ako nagluto ng makakain. Tapos kong kumain ay dumiretso na ako dito kina Joanna.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now