Chapter Twelve

24 6 0
                                    


What does he mean? Nag away ba pamilya namin? Nagkaproblema ba sa companies namin? Okay naman kami ng family niya hindi ba? Ganoon din siya sa amin?


"What are you saying?" kinakabahang tanong ko.


He was about to speak nang may tumapik sa balikat ko kaya napalingon kami sa likod ko.


"Ano pang ginagawa ni dito? Tara na at nang makakain na tayo," nakangiting sabi ni papa kaya napalingon ako kay Alex. He looked calm unlike kanina na akala mo ay naghahabulan sila ng hininga niya.


Ngumiti siya kay papa at nagmano pa, "Sige po tito."


What the? Ano na ba talaga nangyayari? Naguguluhan na ako.


Sumunod kami kay papa papuntang table pero hindi ko napigilan ang sarili na magtanong pa rin.


"Don't left me hanging. What about our family?" I whispered but he shakes his head.


"Later..." he whispered back and smile a little.


I sighed. Mukhang wala naman akong magagawa eh. Naupo kami at nag batian naman sila ni mommy kaya lalo akong naguluhan. Ano ba talaga? Hindi kaya kinakabahan lang ito at kung anu-ano sinabi para makalusot?


"How's your parents?" tanong ni mama habang kumakain kami.


"My mom's doing great and I'm not on speaking terms with my dad so I don't know how is he," napalingon ako kay Alex nang sabihin niya 'yun. I didn't know about that.


"Oh?" gulat na sabi ni papa and he cleared his throat. "I guess we'll not ask more questions."


"Thank you," sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.


"Eileen, may hindi pa pala binanggit sa akin ang papa mo," pag-iiba ni mama kaya nalipat sa kanya ang atensyon ko. "Nag resign ka na daw? Balak mo nang mag-stay dito?"


"Opo, siguro two weeks from now mag start na ako sa training?" sagot ko at napatango. "Yes, I think that's enough for me to arrange my papers."


"Okay, but don't hesitate to tell us if you changed your mind. We don't want to pressure you," sabi niya at tinignan si papa. "Nakausap mo na ba pinsan mo?"


"Yes. Si Eileen na lang talaga hinihintay niya, siya daw mismo magtuturo," sagot ni papa kaya na-excite ako.


Aunt Malucia was the only relative that is close to me. Namasukan kasi siya sa amin noon because of their life in the province, I think 6 years old pa lang ako ay nasa bahay na siya para tumulong sa paglilinis o pagluluto ganun but papa saw her potential kaya pinag-aral niya si tita and voila! She's the CMO and acting CEO of the EIS Inc. which we specialize on building and managing a shopping mall. Yes, we have our own mall. Stunning right?

In the End [On-going]Where stories live. Discover now