Chapter Nine

15 6 0
                                    


Two days before the wedding, inaya ako ni Joanna na lumabas. Hindi ko alam kung bakit pero pumayag ako. Tinext niya ako na dumiretso daw ako sa Yellow Cab sa mall na sinabi niya at doon na lang magkita.


Pagkarating sa Yellow Cab ay nakita ko agad siya na lumalamon kaya pumasok ako agad. Tinapik ko lang yung balikat niya bago maupo at kumuha agad ng isang slice.


"Akin 'yan!" reklamo niya pero kinagatan ko pa din. "Yaman yaman, hindi bumili nang sa kanya."


"Akala mo mura 'yung honeymoon niyo?" pagsusungit ko. Aba nagulat ako sa presyo! Pikit mata ko na lang binayaran. Buti na lang talaga at may pera ako.


"Hehe, kasalanan mo 'yan. Nagpahuli ka kasing dinadaya mo kami," sagot niya pero inirapan ko na lang siya.


"So bakit mo ba ako pinapunta dito? Ano gagawin natin?" tanong ko at nagulat ako nang abutan niya ako ng gamot. Binasa ko iyon at nakitang painkillers 'yun.


"Inumin mo na lang, 'wag nang maraming tanong," sabi niya agad nang makita na magsasalita ako.


Ininom ko iyon. Hindi naman siguro drugs iyon na nilagay niya lang sa lalagyanan ng painkillers? Malaki naman tiwala ko kay Joanna kaya alam kong hindi niya gagawin yung naiisip ko.


"Ubusin muna natin 'to tapos akyat tayo sa third floor," excited na sabi niya kaya lalo akong nagtaka.


Sinunod ko naman siya at nakikain sa pizza niya. Nang maubos iyon ay hinatak niya ako papuntang third floor. Hinayaan ko na lang siya at nagtaka dahil sa salon kami dumiretso. Ano kinalaman ng painkillers sa pagpapaayos ng buhok? 


"Let's get waxed!" sabi niya at natigilan ako.


"Where?" kinakabahang tanong ko.


"You know, down there," she giggled. Agad akong umiling at umatras.


"Mag ahit ka na lang! Hindi ka ba sanay lintik ka!" sabi ko at pilit tinatanggal ang mahigpit niyang hawak sa akin.


"Sanay! Pero gusto ko maranasan 'to. Sige na, samahan mo ko please?" pagpupumilit niya.


"Sanay din ako mag ahit! Kaya di ko kailangan niyan! Masakit daw 'yan," I hissed.


"Kaya nga tayo uminom ng painkillers eh! Hindi na natin mararamdaman 'yan!"


Why did I have a best friend like her?


I screamed at the top of my lungs when we did that. I promise to break Joanna's legs after this! Tawang tawa naman siya dahil rinig daw hanggang first floor 'yung sigaw ko. Like I care? They were murdering my baby!


"OA mo, nakakalakad ka naman ng maayos," sabi niya nang makalabas kami.


In the End [On-going]Where stories live. Discover now