Chapter Twenty

7 3 0
                                    


"Talaga?" gulat na tanong niya at lumapit sa akin para hawakan ang mga kamay ko. "Mahal mo na ulit ako?"


Umiling ako, "Hindi naman ako tumigil."


Naramdaman ko ang pagpisil niya sa mga kamay ko. Nakatitig ako sa mga mata niyang sumisigaw sa saya, habang ang mga labi ay mapupunit na sa sobrang laki ng ngiti niya. Bigla na lang ay hinatak niya ako para sa isang mahigpit na yakap. Nabigla 'man ay ibinalik ko 'yun sa kanya. I smiled and laugh a little when I heard him sobbing. Tinapik-tapik ko ang likod niya para patahanin siya.


"Sobra mo akong napasaya," bulong niya.


"Ako rin, kaya huwag ka nang umiyak dahil maririnig mo na araw-araw 'yan hanggang sa magsawa ka."


Agad siyang humiwalay at tinignan ako diretso sa mga mata ko. Kita ko ang mga bakas ng luha pero nandoon pa rin ang mga ngiti niya.


"Mahal na mahal kita, kung alam mo lang kung gaano mo ko napasaya," mahinang sabi niya.


Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya kaya isinukbit ko ang mga kamay ko sa leeg niya at dahan-dahang lumapit sa mukha niya. I kissed him passionately and smiled between our kisses when he kiss me back. Hindi ito 'yung first time na nag-kiss kami pero, grabe! Halos hindi ko maramdaman ang tuhod ko and I think he noticed it kaya hinawakan niya ako sa bewang para hindi ako tuluyang matumba.


"Ganoon mo ba ako kamahal para ikaw humalik sa'kin?" nakangising tanong niya.


Sinamaan ko siya ng tingin pero wala ako sa wisyong makipagtalo kaya hinayaan ko na lang siya sa iniisip niya. Tinignan ko lang siya at nagtaka nang bigla magbago ang expression niya. Naging seryoso bigla ang mukha niya.


"Bakit? I mean hindi naman sa hindi ko gusto pero bakit mo ako sinagot kahit hindi ko pa nasasabi 'yung dahilan kung bakit kita sinaktan noon?" seryosong tanong niya kaya ngumiti ako.


"Hihintayin ko kung kailan ka ready at sa totoo lang ay hindi ko na nga gustong malaman. Siguro curious ako kasi sino ba naman makakaisip na iiwan mo pa ako noon diba?" tanong ko pabalik sa kanya. "Gusto kong malaman kung gaano ba kabigat yung rason mo para saktan ako pero tuwing naiisip ko 'yun ay parang ayoko rin malaman. 'Yung alam mo 'yun? Baka ako pala 'yung dahilan talaga kaya natatakot akong alamin."


"Kung gusto mo nang malaman, handa naman na akong sabihin ngayon," sabi niya pa pero umiling lang ako.


"Hindi ako naniniwala. Kaya okay lang sa'kin kung kailan mo gustong sabihin 'yan, ang mahalaga mahal kita," sagot ko at niyakap siya sa bewang.


Nag-stay pa kami ng ilang minuto sa may swing tapos ay napagpasyahan na naming bumalik sa hotel room. Medyo inaantok na rin ako dahil sa naging byahe namin. Inihatid niya lang ako sa kwarto ko at binilinang i-lock ko 'yung pinto sa gitna namin para mapanatag daw siya na hindi ko siya gagapangin. Napakakapal ng mukha talaga nitong lalaking ito!


Mga 6 na nang magising ako. Tumingin muna ako sa veranda at nakita ko ang mga bata na nagtatakbuhan sa dalampasigan tapos 'yung mga nakasama namin sa opening kanina ay nag swimming na. Naiinggit ako pero mas natuon ang atensyon ko sa biglang umamoy na barbecue, natakam ako kaya napagpasyahan kong maligo saglit para makakain na kami ni Alex at syempre nagpalit na ako ng two piece dahil gusto ko din maligo.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now