Chapter Eighteen

15 5 0
                                    


Lumipas ang ilang araw sinunod ni Jake ang sinabi niya. Nag-uusap pa rin kami when it is related to work, nagkakangitian kapag nagkakasalubong but other than that wala na. Si Alex naman ay pumapasok na ulit sa firm niya, actually kinabukasan lang after niyang bumalik ay pumasok na siya kasi nasa honeymoon pa rin si Matt so walang tumitingin sa firm. At kapag sinabi kong tawang-tawa siya nung kinuwento ko ang usapan namin ni Jake ay maniwala kayo. Hindi 'man lang naawa dun sa tao.


"Let's start?" tanong ni Jake nang pumasok siya sa conference hall.


We have a meeting today, 'yung marketing team lang naman and nandito rin dapat si tita bilang siya ang CMO pero nagkaroon ng emergency sa Tagaytay branch kaya pinuntahan niya 'yun ngayon. Sinabihan naman niya kaming ituloy ang meeting kahit wala siya, pina-attend na lang niya si Louise para siya ang magrereport kay tita kung anong napag usapan.


Ang alam ko rin, kung anong mapag-uusapan namin ay siya namang sasabihin ni Jake kapag nag meeting silang mga manager/director. Kailangan syempre magkaisa sila dahil marketing department kami at kailangan kung ano ang pinakamagandang idea ay 'yun ang susundin at kailangan mag agree 'yung iba kasama si tita dahil mas malaki or marami ang alam niya kaysa sa amin.


"Our agenda is to have at least two final strategies to suggest in the board meeting next, next week. You're free to contribute as long as it is possible to happen, remember that we should think for the pros and cons, and of course our top priority is the people or buyers," pagsisimula ni Jake.


"We all know that Christmas season is near, at bali-balita na ang ibang malls ay may naisip nang pakulo para sa September 1 so anything you guys, like to suggest?" tanong niya at tumingin sa amin.


May naisip na ako, kaso nahihiya pa akong magsabi kaya nanahimik muna ako. I'm sure mas makakaisip sila Lei or si Ms. Maxine na mas maganda sa naisip ko. Napatingin kaming lahat kay Felix nang matunog itong ngumiti.


"Alam ko na, kung magkaron tayo events? Meet and greet ganon, sa mga artista tapos buwan buwan iba," sabi niya.


Napailing naman agad si Lei at napasapo ng noo si Jake. "Ang bago nang naisip mo ah?" natatawang sabi ni Lei.


"Oo nga! Panahon pa ata ng hapon eh naisip na nila 'yan!" asar naman ni Brent kaya natawa kaming lahat.


Inasar pa nila si Felix sa naisip niya. Grabe lalo akong kinabahan kasi pinagtatawanan nila si Felix kaso napakaluma naman na talaga nung naisip niya. Base sa nabasa ko ay nagawa na rin ito dati and actually, kahit ngayon ay nag-eexist pa naman 'yun pero madalang na lang. Tumikhim si Jake kaya natigil sila sa pag-iingay.


"We can't do that. First, we don't have any artists that is available all the time. Second, meet and greet nowadays are depending on the company of the artist not unless 'yung artist mismo nag suggest at napapayag niya. Third, kailan ba nawala ang meet and greet sa mall natin? Hindi 'man siya buwan buwan pero nagkakaroon pa rin. And lastly, nagawa na natin 'yan noon. Kung binasa niyo 'yung binigay ko dati, nandoon na siya," sabi niya kay Felix. 


Natahimik ulit ang lahat. Mukhang seryoso na silang nag-iisip. Ako, 'di ko pa rin alam kung dapat na ba akong magsalita though sinigurado kong wala pang katulad 'yung naisip ko o hindi pa nagagawa dati pero baka ma-reject lang din.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now