Chapter Three

19 6 0
                                    


"Let's be strangers again," sabi niya at natigilan ako doon.


I got the taste of my own medicine, huh? Masakit palang marinig iyon. Hindi ko alam kung ganito rin ba yung naramdaman niya nang sabihin ko ang katagang iyan basta ako aaminin kong nasaktan ako.


"Sige," tanging sagot ko at nginitian siya ng maliit.


Buong byahe ay nanahimik na kami. Kasalanan niya kung bakit kami naging awkward ulit, hay nako. Kahit hanggang makarating at nagpapamigay kami ay tahimik lang kami. Kilala kami dito kaya minsan ay kinakausap rin kami ng kamag-anak ni Joanna pero saglit lang naman iyon. 


Hanggang sa iisa na lang ang imbitasyong hawak ko. Bababa na sana si Alex nang pigilan ko siya.


"Ako na lang kaya?" suhestiyon ko at nagtataka naman siyang tumingin.


"Bakit? Gusto ko makita si tita Carmina," sabi niya patungkol sa tita ni Joanna.


"Eh diba, baka mamaya pag nakita niya tayo magkasama ay chikahin pa niya tayo," dagdag ko pa at napabuntong hininga naman siya.


"Sige ikaw na, hintayin kita dito," nakangiti akong tumango bago bumaba ng sasakyan.


Naging close kasi kami kay tita Carmina, as in close na close. Si Joanna kasi paborito niyang pamangkin at dahil wala siyang anak, si Joanna ang naging anak-anakan niya. Itinuring din niya akong ganoon simula nung magkakilala kami. And syempre, alam niya na naging kami ni Alex kaya ayoko siyang palabasin. Usapang kasal ang pinunta namin, baka mamaya kami ang sabunin ni tita Carmina.


"Eileen? Hija, ikaw pala iyan. Kamusta ka na? Ngayon ka na lang nadalaw ulit dito ah?" sabi agad niya nang pagbuksan niya ako ng pinto.


"Tita! Ayos lang po ako. Namiss ko po kayo, wala ng nagagalit sakin pag gabi ako nauuwi at dito nakikitulog." sabi ko na kinatawa naming dalawa.


"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa din nagbabago at napaka pilya mo pa din. Bakit ka nga pala napadalaw? At si Alex ba iyang kasama mo? Papasukin mo nga." tanong ni tita habang nakatanaw sa kotse ni Alex sa tapat ng bahay niya.


"Nako tita hayaan mo na siya doon. Sandali lang naman po kami dahil iaabot lang po namin yung invitation para sa kasal ni Joanna." sabi ko at binibigay na kay tita yung invitation para makaalis na. Aba mahirap na at baka may maisip pang kung ano si tita!


"Ikakasal na nga pala ang pamangkin kong iyon. Hay parang kalian lang ay patakbo takbo pa siya dito sa aming hardin." binanggit niya yon habang nakangiti. Napangiti na rin ako dahil nagsisimula na siyang maging emosyonal. "O siya sige kayo'y umalis na at baka gabihin pa kayo lalo. At ikaw, huwag kang masyadong masama sa nobyo mo. Imbitahin niyo rin ako sa kasal niyo ah? Ikamusta mo din ako sa kanya!"


Napailing ako sa narinig lalo na nung humagikhik si tita. Hay kung alam lang niyang wala na kami pero ayokong malungkot siya kaya hinayaan ko na lang kung anong iniisip niya at nagpaalam na.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now