Chapter Twenty One

5 2 0
                                    


"Guys, may emergency meeting daw sabi ni Ma'am Malucia."


Napalingon kaming lahat kay sir Jake. Agad naming kinuha ang mga gamit at dumiretso sa conference room pero may nakalagay na sign sa pinto na diretso sa isa pang conference room namin na mas malaki kaysa sa ginagamit namin lagi. Usually ginagamit 'yon kapag nandito ang Board of Directors including my parents. Nagulat ako nang makita ko sila pagkapasok ko pa lang ng conference hall, nasa harap kasi sila. Nakangiti sila sa akin pero ako ay kinabahan dahil hindi sila basta-basta pupunta rito kung walang something. May nangyari kaya sa company? And gaya ng sabi ko, nandito nga lahat ng board members.


"Good morning, everyone. I apologize for the short notice, I know you are busy but we have an important announcement for everyone," pagsisimula ni papa habang nakatayo sa harapan.


Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko, paglingon ko ay nakita ko si mama na nakangiti sa akin. Inaya niya ako pumunta sa harap, alanganin akong lumingon sa mga kasama ko na halatang nagtataka kung bakit ako kinakausap ng asawa ng CEO! Mabubuking ata ako dahil kay mama. Nagtama ang paningin namin ni sir Jake at tumango naman siya sa akin. Alam niya kaya nangyayari?


Sumama na ako kay mama dahil halos lahat ay nakatingin sa amin. Hindi na nga sila nag focus sa sinasabi ni papa sa harap eh. Ano kaya naiisip nila? At paano ko ito malulusutan? Hindi ko napaghandaan ito! Wala rin naman sinabi sina mama na pupunta sila ngayon dito at may ganitong pakulo. Edi sana kagabi pa lang nakaisip na ako ng mga dahilan ko sa mga magtatanong.


Para akong lutang na naglalakad papuntang harap dahil sa lalim ng iniisip ko. Nagulat na lang ako nang tawagin ako ni papa at itinabi sa kanya sa harap.


"Ano po meron?" pabulong na tanong ko sa kanya. Lumingon ako kay mama dahil narinig kong natawa siya ng mahina.


"I gave all my trust to Malucia when I've decided to give her my position, temporarily. Thank you for not breaking my trust," tumingin siya kay Aunt Malucia at ngumiti ito sa kaniya.


"You know, I'll always do anything for your family," sabi niya kay papa.


Ano ba meron at nagdadrama sila? Kinakabahan ako ah. May mamamatay ba sa kanila? Shit! Kung ano-ano na naiisip ko! 'Wag naman sana.


"And now, we're going to witness the biggest news! Nagtataka siguro kayo kung bakit nandito sa harap si Ms. Eileen Sanchez, or Ms. Alvarez sa pagkakakilala niyo."


Nanlaki mata ko nang sabihin ni papa ang pangalan ko. Omg, I have this feeling na alam ko na kung bakit sila nandito! Umingay ang kaninang tahimik na nakikinig kay papa. Lahat ay nagbubulungan, marahil sa gulat. Nilingon ko 'yung table namin kanina at nakita ko si Ms. Maxine na napatayo pa sa gulat habang sina Lei naman ay napatakip ng bibig.


"After years of waiting and insisting her to come home, finally it is over. I would like to announce, our new CEO, my daughter, Eileen Isabelle Sanchez!" masayang sabi niya at nagpalakpakan naman silang lahat.


"Wait, bakit ang bilis? Mag dadalawang buwan pa lang ako dito papa," angal ko pero umiling lang siya.

In the End [On-going]Where stories live. Discover now