Chapter Eight

14 6 0
                                    


Nagising ako sa sinag ng araw na tumapat sa mga mata ko. Ugh, my head hurts so bad. Pinukpok ko yung ulo ko dahil parang hinihiwa sa sakit. May narinig akong tumawa kaya napamulat ako agad at naupo.


"Argh!" I exclaimed.


"Tsk! Huwag kasi upo nang upo," lumapit siya sa akin at inabutan ako ng tasa.


"Bakit ka nandito?" matamlay na tanong ko at kinuha yung binigay niya. It is red ginseng, hindi ko bet pero I felt much better after sipping on it.


Ang sakit pati ng katawan ko, hindi ko alam kung nabugbog ba ako kagabi o ano. Teka!


"Ano nangyari kagabi? Bakit ka nandito? Nasaan sina Joanna? Sino nanalo sa amin?" sunod-sunod na tanong ko at wala sa sariling tinignan ang suot. Omg!


Natawa naman siya sa reaksyon ko. Mukhang alam niyang kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko ngayon. May nangyari ba sa'min? Bakit naka tshirt ako tapos naka panty lang? Tinignan ko kung nakabra ba ako pero hindi! Bakit wala ako maalala?!


"Kung ano man iniisip mo, wala. Wala ang sagot at para naman sa mga tanong mo, mas mabuti pang maligo ka muna. Baka sakaling maalala mo," sabi niya at ginulo ang buhok ko bago lumabas.


Ano ba talaga nangyari? Please tell me I didn't embarrassed myself infront of him. Please.


Pagkapasok ko ng banyo ay agad akong naguluhan sa itsura nito. Teka, katulad nito yung banyo ni Alex sa baba ng penthouse niya ah? So wala na ako sa bahay na nirent ko? Bakit? Damn it, kung meron man nangyari sa amin kahit yun lang po ipaalala niyo sa akin masaya na ako. Charing!


Nakita ko sa sink yung two piece na sinuot ko kagabi. Naaalala ko pa 'yun eh, nag usap pa nga kami ni Joanna pagkalabas ko ng banyo. Pero bakit nandito, siya ba nagtanggal? Omg! Nakita na niya lahat sa akin? Tinignan ko yung panty na suot ko at bago iyon, hindi 'yun ang ka-partner ng top ko kaya binuklat ko 'yung nasa sink na at napapikit na lang na makitang nandun parehas.


"Eileen?" katok ni Alex.


"Y-yes?" kinakabahang tanong ko. Kailangan ko maalala dahil kung ano ano pumapasok sa isip ko. My innocent mind!


"Iiwan ko dito yung damit mo ah? Nasa may tapat lang ng pinto," sabi niya kaya nag thank you na lang ako.


Nang marinig ko yung pagsara niya ng pinto ay unti-unti akong sumilip sa labas. Wala na siya kaya tumakbo ako papuntang kama para tignan kung may dugo yung bedsheet. Diba sabi nila kapag first time eh ganoon? Pero wala naman. Nagpalit na kaya agad o totoo ang sinabi niyang walang nangyari?


I just shrugged and grab the paper bag near bathroom's door. Puro bago pa ito. My face heated when I saw the undergarments. Naisip ko tuloy yung itsura niya habang pumipili ng undergarments ko. Aish! Makaligo na nga!


Nakatulong yung red giseng at hot tub sa pakiramdam ko. Hindi na ganoon kasakit ang ulo ko at narelax yung katawan ko na kanina ay parang nabugbog yung feeling. What did I do last night to felt that way? 

In the End [On-going]Where stories live. Discover now